Chapter 7

3.4K 84 17
                                    

..........

Sandys Pov

Hindi lahat ng moments namin ay masaya. Madalas din kami magkainisan at di magpansinan. Pero syempre ...kaya mo ba namang tiisin kung mahal mo. Hindi.  Ngiti pa lamang niya. Burado na yung inis mo. Wala pa man siyang ginagawa. Okay kana.

"Basta! Ayaw kitang kausapin promise!".

Inis na sabi nito saken habang naglalakad kami sa ibaba. Alam kong inis nanaman siya. Nasa unahan ko siya at nakatingin lang ako sakanya.

"Ano nanaman bang problema mo?"

Kunot noo kong tanong dito habang nakasunod ako saknya.

"Wala naiinis lang ako."

Agad niya kong nilayasan at tumuloy na sa office namin.Ang kulit ko lang kase eh..
Nung isang araw di din kami nagpapansinan e. Pero at the end of the day. Sabay parin kami umuuwe.
Ant ngayong araw na ito. Beastmode ulit siya saken. Kung bakit? Di ko na sasabihin. Basta badtrip siya. Yon na yun!
Breaktime namin at usually saken siya tumatabi. Hindi siya lumipat ng upuan sa tabi ko para ramdam ko siguro ang pagkainis niya saken.
Bahala siya. KUNG kaya niya kong tiisin. Aba! Titiisin ko din siya.

"Pwedeng dito muna ako umupo?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si lovely isa sa mga kasama namin dto sa office. Medyo bago bago pa lang siya.

"Sure sige. Wala naman nakaupo e."

Nakangiti kong sagot dito. Sabay ayos ng upuan sa tabi ko na usually pwesto ni Lowee tuwing breaktime. Eh wala e. Kita kong nakaupo ito sa tabi ni Lea. Isa din sa mga nandto sa office.

"Wala bang magagalit?"

Tanong nito habang papaupo.

"Wala naman."

Tipid kong sagot dito.

"Eh si ano.. baka umupo siya dito."

Tanong ulit nito sabay tingin kay lowee na busy sa fone niya.

"Di yan. Edi sana knina pa siya nakaupo dito sa tabi ko."

Kita kong natawa ito ng konti sa sinabi ko kaya napataas ang kilay ko dito.

"Mga ganyanan mo lovely ha."

Sabi ko dito ng may pagbabanta.

"Wala naman ako sinasabi ah!"

Depensa nito sabay ayos ng buhok nito.

"Eh ano yang ngiti mong yan?"

Sabi ko dito habang nagaayos ng mga papel sa mesa ko. Ang kalat ko lang e.

"Away kayo ano?"

Curious nitong tanong. Taas baba pa ang kilay nito. Baliw talaga!

"Luh? Paano mo nasabi?"

Balik tanong ko naman sakanya.

"Pansin namin kayo e. Di kayo masyado close."

Sagot niya.

"Wow NAMIN. Mga tsismosang palaka!"

Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Eh kase naman nasanay kaming sweet kayo... kaya kapansin pansin talaga kapag WAR kayo."

Sabi pa nito na ngayoy pacute na nakatingin sa salamin niya.

Sasagot sana ako ng biglang umilaw ang fone ko.
Kita kong may message si lowee saken.

"Ayos naman pala e! Pupunta na sana ako sa tabi mo tapos biglang may nakaupo na agad. Wow ha."

Sandy's Love Affairs Where stories live. Discover now