Dahil long weekend naman. Nagpasya akong puntahan nalang si Janice. Tatlong buwan na din the last time nagkita kami. Opening pa ata yun ng Restobar niya. For sure masusurprise yun.
"Sandy ano ba! Sasapakin na kita!"
Maarte pero may inis na saad ni Janice sakin.
Nandito kami sa Bar niya ngaun at parang may tama na ko sa alak na iniinom ko. Mula dumating ako kanina agad itong naglabas ng alak bilang ganti niya dahil nasuprise daw siya sa biglaang pagbisita ko sakanya."Inaano ba kita?" Mas lalo ko pang niyakap ito ng mahigpit. Wala siyang kawala sa higpit ng yakap ko dito. Bakit? Namiss ko siya e!
"Umuwe na tayo.. sa bahay kana magpalipas ng gabi."
Pilit nitong tinatanggal ang kamay kong nakapulupot sa bewang neto."Sayaw muna tayo Ja.. Please?"
"You're drunk.. lets go home."
"Please Ja.. ngayon lang naman ulit e!"
Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Sabay amoy ng leeg nito. Ang bango talaga niya pramis!!"Kaya mo pa ba? Eh halatang hilo kana?"
Iniwas nito ang mukha at pilit nilalayo saken."Kaya nga lets dance para mawala hilo ko."
Tumayo ako kasabay ng paghablot ng kamay niya para maitayo ito."Okay pero behave ka lang."
"Yes babe!"
Ngumiti ako sabay kindat sknya."Lasing kana talaga!"
Hindi ko na pinansin ang sinabi nito. Hinila ko siya sa dance floor at agad niyakap ito. Napakalakas ng music, maingay at medyo madilim kaya sinamantala ko mayakap siya sa mga oras na yun. Imposible din na may kakilala kami na makakita samin dahil bukod sa madami ang tao may kanya kanyang kapareha ang lahat.
"Pwede ba kitang mahalikan?"
Bulong ko sa tenga neto."Ganyan ka na ba malasing ngayon Sandy? Parang di kana takot na baka may makakita sa atin."
Kahit maingay ang paligid naintindihan ko parin ang sinabi nito dahil sobrang lapit lang ng mukha nmin sa isat isa."Wala nman akong pakealam sa kung sino man ang makakakita satin Janice eh."
"So di ka takot ba may makakita saten na naghahalikan?"
Imbis na sumagot pa ako. Hinila ko ito palapit sakin at agad hinalikan sa labi nitong nakaawang. Ramdam ko ang gulat nito ng dumampi ang labi ko sa labi niya. Di nagtagal Naramdaman ko ang banayad nitong pagtugon sa halik ko. Lalo kong hinapit ang bewang nito palapit sa katawan ko.
Ang lakas ata ng loob ko ngayon. I like it!
Nagsimula na din maglakbay ang mga kamay ko sa likuran nito. Naramdaman ko naman ang pagkawit ng mga kamay nito sa batok ko habang tinutugon ang mapusok kong halik.
"Uwe na tayo."
Aya ko dito ng maghiwalay ang mga labi namin. Halos kapusin na din ako sa hininga kayat kahit ayaw kong maputol ang halikan namin. Kailangan kong putulin dahil baka di ko na makontrol ang sarili ko at don na mismo namin gawin yun.
...............
Mabilis ko siyang hinalikan pagkapasok namin sa kwarto niya.
"Janice.."
Bahagya ko siyang inilayo sa katawan ko.
Naguguluhan naman siyang napatingin sa akin."Make love to me Sandy.."
Masuyo niyong sambit.
Napaawang naman ang labi ko habang nabibiglang nakatitig lang sakanya."Ja-nice i..."
"Sandy.. i want you. I want you now."
Dagdag pa nito.Napakunot noo ako saka binuka ang bibig pero wala naman lumalabas kahit isang salita. Di ko alam pero naramdaman ko nalang na natawa ako ng bahagya.
YOU ARE READING
Sandy's Love Affairs
Romance"So friends?" Nakangiti nitong sabi saken habang ang isang kamay nitoy nakalahad naman sa harap ko. "No!" Napakunot naman ang noo nito. Hinila ko ang kamay niya at marahang inilapit ito sa katawan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko dito. "Best...