.......
Pagkatapos ng paguusap namin ni Janice ay bumalik sa dati ang lahat. Well medyo may konting ilangan pero sure akong mawawala din iyon. Nandito kami ngayon sa isang kainan. Dumiretso muna kami dito para kumain dahil nagutom kami sa byahe. Past 6pm na din at wala pa kaming kinakain mula ng umalis kami sa manila.
Tumingin ako sa labas ng restaurant para lang panoorin ang mga taong naglalakad. Sa di kalayuan ay napansin ko ang pamilyar na pigura ng babae.
Si Lowee.Natigilan ako ng may lumapit dito na lalaki at masaya naman niya itong nginitian. Papalapit sa kinaroroonan namin ay halatang nagkukwentuhan sila at nagkukulitan. May paakbay akbay pa ito na di naman tinutulan ni Lowee. Marahang naikuyom ko ang aking kamao
may kung anong tumusok sa puso ko na ano mang oras ay sasabog nalang sa sobrang sakit. Like? What the hell? Anong nangyayare saken? Ano ngayon kung may kasama siyang lalaki?
Buong tingin ko ay sakanila lang nakatuon, kung gaano sila kasaya.. kung gaano sila kasweet sa isat isa. Langya! Ilang buwan lang ganyan na? May boyfriend agad sya? Ibang klase!Di ko namalayan na naibagsak ko sa mesa ang kamay ko.
"Sandy? May problema ba?"
Takang tanong ni Janice na kunot ang noo.
"Wala Ja.. Cr lang ako.."
Nang nasa CR ay naghilamos ako at tumitig sa sarili kong repleksyon sa salamin.
"Anong nangyayare sayo Sandy!?"
Bulong ko sa sarili ko. Bat pa ba ako naapektuhan sa nakita ko? Dapat hindi na! Damn it!Pagkalabas ko ay agad kong niyaya si Janice para ihatid na ito skanila. Kailangan ko na din kasing bumalik agad sa manila dahil para akong mamatay kapag nanatili lang ako sa lugar na yon. Okay na kami ni Janice. Malinaw na lahat sa pagitan naming dalawa. Pero heto nanaman. May isa pa. Si Lowee.
Tulala akong pumasok sa kwarto ko. Pabagsak na humiga at niyakal ng mahigpit ang aking unan pero napamulat ako bigla ng may mahawakan akong malambot na sa tingin ko ay hindi unan.
"Sandy, he-Anong ginagawa mo dito??!"
Napatingin ako sa buong paligid. Shit! Hindi ko to kwarto! Sunod na napatingin ako sa babaeng nasa harap ko ngayon. Si Cha. At iyong malambot na yon ay ang kanyang hinaharap.
"Wala kang Bra?"
Bulalas ko dito at agad niya kong hinampas ng unan sa mukha.
"Bakit ka andito?"
"Akala ko kwarto ko to.. Sorry na nagkamali ako ng napasukan.. Pero Fuck! wala ka ngang Bra??"
Nakangising tanong ko kasabay ng mapanlokong tingin.Nakita ko naman ang mabilis na pamumula ng mukha nito.
"Bwisit ka! Umalis ka nga dito!"
sabi niya at pinagtulakan pa ko palapit sa pinto. Napatingin naman ako sa babaeng tulalang nakatingin at nakatayo ngayon sa harap namin ni Cha. Si Ruru kapatid ni Cha.
Bahagyang bumukas ang kanyang bibig pero tumiklop din agad.
Tinuro niya kaming pareho ni cha na puno ng pangaakusa."Are you...Did you.. did you two m-..."
Hindi niya matuloy ang sasabihin niya kaya nagsalita na ako.
"Nagsex? Hindi!"
Depensang sabi ko rito at tumawa. Kinurot naman ako ng sobrang pino ng sadistang katabi ko.. kaya napasigaw ako sa sakit.
"Nagkamali lang siya ng napasukang kwarto.. kaya kung ano yang nasa isip mo. Hindi yan totoo.."
Rinig kong sabi ni cha kay ruru na wala atang balak bumalik sa katinuan.
YOU ARE READING
Sandy's Love Affairs
Romance"So friends?" Nakangiti nitong sabi saken habang ang isang kamay nitoy nakalahad naman sa harap ko. "No!" Napakunot naman ang noo nito. Hinila ko ang kamay niya at marahang inilapit ito sa katawan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko dito. "Best...