Chapter 19

1.5K 28 1
                                    

(Aria on Media. Credit to the owner of the photo. Thanks Ms. LouLou for the approval. Keepsafe!)

Sabi nila once you turn your back to someone you need to travel the whole world para makaharap mo ulit siya. But i guess people never realized na yung taong iniwan mo would also travel away..na that person will not stay kung saan mo siya iniwan..that person will also move..na that person have to continue the life na meron siya despite the fact na iniwan siya ng taong importante sakanya..na kahit mahirap at masakit that person need to move on and live the life na wala ka..At kailangan niyang hanapin yung sarili niya..kailangan niyang buohin yung sarili niya na winasak ng taong akala niya hindi siya iiwan mag-isa.
And i think its not just the whole world you need to travel para makita mo ulit siya. I guess you need to spent your whole life para hanapin ulit siya.
But then again you might find that person..you might see each other again..but for sure it will never be the same person ever again.
Because those times that your not together.. that person change.. sa paraang hindi mo inakala.

It was saturday night. Pagkagaling ko ng province kung saan hinatid ko si Aira umalis akong mabigat ang loob at punong puno ng iniisip. I cant get over sa naging usapan namin ni Aira. Gusto niya muna ng walang kumunikasyon sa akin. The more na nakikita at nakakausap niya ko. The more na nasasaktan siya. Nung una di ako pumayag dahil sa kalagayan niya ngayon pero dahil sa nagalit na siya. wala na ko nagawa kundi mag agree sa gusto niya. Kinausap ko nalang yung kapatid niya na sknya ako magtatanong at mangangamusta sa kalagayaan ni Aira.

Nadatnan ako ni cha na lugmok na lugmok. kaya nag-aya ito mamasyal. Di ko naman alam na dito niya ko dadalhin
Nagtatrabaho na ngayon si cha. Si miel naman nasa probinsya na din at wala magaalaga sknya dto sa manila. Si patrick nregular na sa macau. Minsan naririnig ko nagtatalo sila ni cha sa skype. Di ko na tinangkang kamustahin sila ni cha kahit minsan nakikita ko malalim iniisip ni cha. Away mag asawa lang siguro. Pero pansin kong hindi na sila madalas magusap this past few days.

"Ang dami ng nagbago no?"
Rinig kong sabi ni Cha habang naglalakad kami sa School namin nung college. Si cha. She's always there for me. Ups and downs. Hindi niya ko iniwan. Hindi niya ko pinabayaan sa mga araw na lugmok na lugmok ako.

"Hindi mo naman mapipigilan ang pagbabago e. Its unstoppable. Parang naka destined na mangyare lalo na kung kailangan at dapat."

Dugtong nito. Tumingin siya saken at ngumiti. Pero may iba sa paraan ng pagtingin niya saken. I saw sadness. I saw pain.

Mukhang manhid nanaman yata ako At di ko maramdaman na nasasaktan ko nanaman siya . Napatigil ako ng di ko makita yung favorite spot namin ni cha dito sa school. yung puno ng mangga.

"Asan na yun?"
Kunot noo kong sambit habang palinga linga sa paligid.

"Wala na yun.. Yan na siya ngayon."
Sabi ni cha. Tinuro ang isang maliit na kubo.
Napatingin naman ako ng may panghihinayang. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.

" Nakakamis yung memories naten dito.But i guess thats how it is. May mga bagay na kailangang mawala hindi dahil sa it doesnt mean anything kundi dahil kailangan. Pero kahit wala na yung tambayan naten. Nasa puso at isipan ko pa din ito. Hindi naman nawala."

Sabi ni cha. saka muling binaling ang tingin sa kubo. Mula pa kanina may mga sinasabi na siyang puro may mga ibang kahulugan. Hindi ko lang maprocess ng mabuti sa isipan ko. Pero alam ko sa bawat salitang binibigkas niya meron ibang kahulugan. At naguguluhan ako mula pa kanina sa ikinikilos niya. I wasnt shocked hearing those words. Kilalang kilala na talaga ako ni Cha. High School hanggang college ba naman.. isama mo pa yung nung magtatrabaho na kami.

"Pano mo nagagawa yun Cha?"
I asked.

"Ang alin?"
She asked innocently.

"Saying those words i need to hear.. Na parang mas kilala mo pa ko kesa sa sarili ko."

Sandy's Love Affairs Where stories live. Discover now