"Bigyan mo ko ng katanggap tanggap na dahilan para hayaan kitang mabuhay pa ngayong umaga Patrick John Baltazar!"
Agad na bati ko ng mabungaran ko siya sa sala.
"Uhmm dahil dinalhan kita ng... Kape?"
Sabay taas ng paper cup na may lamang mainit na kape.
"Naman Sandy! Ang aga aga ganyan agad ang bati mo e!"Sabay lapag nito ng kape sa mesa.
"Oh eto ng kape mo senyorita!"
Mabilis ko namang inabot ang kape sa kamay nito na binili pa ata sa isang kilalang coffee shop.
"So anong masamang espirito ang naghatid sayo dito? La ka pasok?"
"Wala e."
iling nito."Kung ganon naman pala..umuwe kana. busy ako!"
Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya.
"Ohh mukhang may tinatago kang babae ngayon dyan sa kwarto mo ah?"sabay nguso sa pintuan ng kwarto ko.
Hindi ako sumagot at sumandal lang sa pader sabay sumimsin lang ng kape."Tinatanong kita Sandy baby!"
"Walang dapat sagutin Patrick."
"Yung totoo.. sinong babae mo ngayon diyan? Don't tell me may bago ka ulit?"
"Wala."
"Eh sino yung kasama mo sa room mo kanina at tagal mo buksan?"
"Wala nga!"
Asar na nilapag nito ang hawak niyang kape sa mesa.
"Nagtatanong lang naman kase e. Ano na? Maganda ba? Sexy? Kilala ko ba?"
Lihim akong napamura. Paano ko ba sasabihin na ang babaeng nasa loob ay ang babaeng mahal niya? Ang babaeng kaisa isang naglalaman ng puso niya.
"Alis na Patrick!"
Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit ang totoo ay nakakaramdam na ko ng kaba at guilt.
"Bakit nanaman ba? "
Walang pakealam na tanong niya at mabilis na umupo.
"Pwede ko bang makita ang latest mo?"
"Hindi."
Mabilis kong sabi dito."Pasilip lang.."
Iyon lang at mabilis niyang tinakbo ang pintuan ng silid ko.
"Tignan ko lang ang itsura ng bago mong-..""Huwag mong tangkaing subukan Patrick, kung gusto mong makalabas kapa na humihinga sa lugar na to."
Kalmado lang ako ng sinabi ko yon pero sapat na ang ilang taon na friendship namin para malaman niyang seryoso ako sa sinabi ko.
"Oo na.. Curious lang naman e!"
Sabay taas pa ng dalawang kamay niya tanda ng pagsuko.
"Well, hindi ako natutuwa sa pagiging usesero mo. Umuwe kna!"
Walang emosyong turan ko sabay pabagsak na umupo sa sofa.
"Walang pinagkaiba. tsk!"
"Malaki ah!"
"Umuwe kna!"
"Mamaya na.."
Haay! Bwisit talaga!
"May sasabihin ako sandy.."
Pagkaraay nasimula na siyang magkwento ng kung ano ano. Wala naman akong maintindihan dahil ang atensyon ko ay nasa babaeng na loob ng CR ko sa kwarto na kasalukuyang naliligo.
YOU ARE READING
Sandy's Love Affairs
Romance"So friends?" Nakangiti nitong sabi saken habang ang isang kamay nitoy nakalahad naman sa harap ko. "No!" Napakunot naman ang noo nito. Hinila ko ang kamay niya at marahang inilapit ito sa katawan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko dito. "Best...