"Alam mo brad you should stop na."Pabaklang Sabi saken ni patrick habang nakaharap kay cha. Si cha naman busy sa ginagawang cake. Andito ako ngayon sa apartment nila. Dito ako saknila pansamantala tumutuloy. Ayoko sana pero nakiusap saken si Patrick.. na samahan ko nalang muna si cha dito habang wala siya. Di ko akalain na dahil saken magkakabalikan tong dalawang to. Masaya naman ako for them. Sana tuloy tuloy na. Mamaya ang alis nito papuntang Macau dahil sa trabaho.
"Haaay nakakaasar! nakakainis na!"
Naiinis talaga ako dahil di ko marelax sarili ko sa dami ng iniisip ko. Palakad lakad ako sa harap nilang dalawa.
Kita ko naman ang pagsama ng tingin saken ni cha. Agad naman akong umupo sa tabi ng stroller ng baby nilang tulog."Haaay buti kapa baby nakakatulog ng maayos..ng walang iniisip.. napakapeaceful ng tulog mo .. palit tayo baby? Ako muna dyan? Please??""
Sabi ko dito habang nakayuko sa tulog na bata. Isang malakas na batok naman ang natanggap ko mua kay cha.
"Aray naman cha!"
Iritableng sabi ko dito habang hinahaplos ang bandang likod ng ulo ko. Medyo masakit yon ah!
"Pati anak ko dinadamay mo sa malapit ng pagkasira ng utak mo ha."
Sabi nito at inalayo ang anak nito saken. Grabe damot!
"Luh sobra ka naman saken cha.. ang lupit mo pagdating saken."
Sabi ko dito.
"Wag mo kong artehan ng ganyan. Masasaktan ka talaga saken!"
May halong pagbabatang sabi nito.
Tumayo naman ako at yumakap dito mula sa likod niya."Di kana sweet. Pati ba naman ikaw?"
Naglalambing kong wika dito.
"Op op Brad hands off naman! Harap harapan talaga? Akin na to e"
Si Patrick. Na agad inilayo si cha mula sa pagkakayakap ko na ngayoy yakap yakap na niya ng mahigpit.. kala mo naman aagawin e. Tssk
"Seloso! Una siyang naging akin!"
Sabi ko dito."At ako na yung huli."
Mayabang naman niyang sagot habang mahigpit na yakap yakap si cha.
"Sino may sabi?"
Tanong ko ulit.
Kala mo ha. Palaban to men!"Ako! Diba baby? Ako yung huli mong mamahalin?" Sabay baling niya sa girlfriend niyang mukhang naiinis na.
"Aalis ka naman diba.. so may chance akong maagaw siya sayo."
Pangiinis ko naman dito. Sinamaan naman niya ako agad ng tingin sabay halik kay cha na ngayoy napapailing nalang sameng dalawa.
Maaga palang gising na kami. Actually kanina pa ko gising dahil kailangan kong nagpadeliver ng breakfast para sa girlfriend ko. Syempre girlfriend ko parin siya kahit cool off kami noh. Lalo pa ngayon na wala ako sa tabi niya.
"Cha baka di muna ako umuwe dito mamaya.Bukas na ko balik ko ha."
Pagpapaalam ko kay cha na abala sa pagluluto ng kakainin ng anak niya.
"Saan ka nanaman pupunta?"
Kunot noo netong tanong saken. Haaay magsisimula nanaman ata siya sa homily niya saken.Bago pa man nito maituloy ang sasabihin ay agad ko itong nilapitan sabay back hug ko sakanya.
"Cha, ayan ka nanaman e. Basta uuwe ako bukas."
"Okay basta mag ingat ka."
Sabi naman nito sabay pisil sa pisngi ko.
YOU ARE READING
Sandy's Love Affairs
Romance"So friends?" Nakangiti nitong sabi saken habang ang isang kamay nitoy nakalahad naman sa harap ko. "No!" Napakunot naman ang noo nito. Hinila ko ang kamay niya at marahang inilapit ito sa katawan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko dito. "Best...