Chapter 20

512 12 0
                                    

"Siguro kailangan mo munang lumayo. Nawala mo yata yung sarili mo. Hanapin mo muna. "
-Aira

2 years ago ....

"So hindi kana talaga mapipigilan?"
Malungkot na tanong sa akin ni Aira. Yakap yakap ko siya mula sa likod at nakahawak naman ang dalawa kong kamay sa malaki niyang Tiyan. Anytime soon manganganak na siya. That's whay im here with her. Ilang buwan na din ang lumipas mula ng paguusap namin ni Cha.

"Pipigilan mo ba ako?"
Tanong ko dito at bahagyang iniharap ito sa akin. Napakaganda ni Aira. Ang ganda niyang buntis.

"Hindi."
Matigas niyang sambit sabay tulak sa mukha ko palayo sakanya. Gusto ko siyang halikan.

"Im really sorry Hon. Im sorry for hurting you that much."
Malungkot kong sabi.
Bumuntong hininga lamang ito at tumingin sa malayo.

"Hindi ko alam bakit nagkaganito tayo. Hindi ko din alam kung bakit ka nagkaganyan."
Napapikit ito habang sinasabi yon. Ramdam ko yung sakit sa bawat pagbigkas niya. Napakagago ko talaga!

"Minsan iniisip ko. Anong nagawa ko? Anong kulang?Bakit ka nagkaganyan?
Tell me, ako ba yung mali?"

Naluluha ito habang binabanggit ang mga salitang yon. Halos madurog naman ako sa nakikita ko ngayon sakanya. Hindi ko dapat nagawa ito kay Aira. Hindi dapat siya nasasaktan ngayon.

"Mahihintay mo ba ako?"
Nag-aalangan na tanong ko dito. Napaangat naman ito ng tingin sa akin na may pagtatanong sa mga mata.

"Ang tagal na kitang inaantay. Gusto ko ng mapagod sa totoo lang. Pero mahal kitang gago ka. ''
Paiyak nitong sagot. Agad ko naman itong niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang pagtugon nito sa yakap ko.

"Sana pagbalik mo ikaw na ulit yan. Yung Sandy na minahal ko at mahal ako. At kung di ka man makabalik, maiintindihan ko. Iintindihin ko at tatanggapin na hindi talaga tayo para sa isat isa. "

Hindi na ako nakaimik pa. Patuloy lang ako sa pagyakap sakanya. Nagsisisi ako  Pinagsisisihan ko na lahat.
"Pangako Aira, babalik ako. Babalik yung dating ako. " sabi ko na lamang sa isip ko.







Present day.

"Sandy David!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Napangati ako ng makita ko kung sino ito.

"Cha!"

Binitawan ko muna ang hawak kong maleta at sinulubong ito ng mahigpit na yakap.

"Namiss kita. Ang tagal mong walang paramdam."

Nagtatampo nitong sabi habang nakayakap parin sa akin.

"Well, im here already! Surprise!"
Sagot ko naman. Sa dalawang taon na umalis ako ay di na ko nagparamdam sa dito. Kaya laking gulat nito ng bigla akong tumawag sa viber nito at nagpapasundo sa airport.

"Gago ka talaga! Welcome back then!"

Bago ako umalis ay kinausap ko si Cha, naging maayos ang lahat sa pagitan namin at pumayag siyang bantayan si Aira at ng baby namin. Siya din ang nagpapadala ng pictures nila at lagi akong updated. Masaya ako dahil alam kong may babalikan pa ako.
She waited for me. And im so damn Lucky.

"Cha, daan muna tayo sa flower shop."

Balak ko kasi surprise si Aira. Matagal siyang walang balita saken at ngayon alam kong mabibigla siya sa pagdating ko.

"Sure ka? Baka isampal lang sayo ni Aira yang bulaklak. "

Nangiinis na sabi ni Cha habang tutok ang mga mata sa kalsada.

"Bakit naman?"
Nagtatakang tanong ko dito. Tinignan niya lang ako na tila ba nagsasabing "Seryoso ka sa tanong mo?"

"Uy cha.. bakit nga?"
Kulit ko dito. Di na ito muling sumagot at maya pay inihinto ito sa tapat ng flower shop.
Bago ako bumaba ay may pahabol pa ito.

"Palagyan mo na din ng base para mas masakit pag binato sayo o ihampas sayo."

Napailing na lamang ako sa kaibigan ko at agad ng pumasok sa Shop.
I choosed tulips for Aira. Noon pa man ganitong klaseng bulaklak na ang binibigay ko sakanya. Never akong nagbigay ng ibang klaseng bulaklak. For me.. aira is special.

Nakaramdam ako ng kaba ng matanaw ko ang bahay namin. Yes bahay namin ni Aira. Bago ako umalis ay tinupad ko ang dream house namin ni Aira. Noong una ayaw niyang tumira doon at papayag lang siya kapag kasama niya ako. Pero sa huli ay pumayag din ito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bago ko pa man mabuksan ang pintuan ng kotse ay nagsalita si Cha.

"Remember, di magiging madali ang lahat. Galit siya sayo at swerte mo nalang kung makailag ka sa nagbabagang galit ni   Aira sayo. "

Napaupo naman ako ng tuwid sa narinig ko mula kay cha. Oo, tama siya. Ang kapal  ng mukha kong magpakita pa pagkatapos akong akong MIA ng dalawang taon.

"Cha, kaya ko to. "
Matapang kong sagot kahit ang totoo ay natutunaw na ko sa takot at kaba.

"Goodluck!"
Sabi nito ngunit ang tono ay para bang nangaasar. Kita ko din ang pag ngiti nito ng may pananakot.
Lumabas na ako ng kotse at ibinaba ang mga gamit ko. Kailangan din umalis agad ni Cha dahil susunduin pa nito ang anak niya sa school.

Hawak ang isang bugkos ng bulaklak mga ilang minuto din akong nakatayo sa harap ng gate. At ng may lakas ng loob na ay agad kong pinindot ang doorbell. Halos gusto ko ng tumakbo paalis ng may nagbukas ng gate 
Kitang kita ko ang pagkunot ng noo nito ng tuluyan ng mabuksan ang gate na tila ba sinusuri kung sino ako. Ng mapagtanto kung sino ako ay kasing bilis ng kidlat ang pagbabago ng itsura nito.
Galit at lungkot. Kitang kita ko sa mukha ni Aira yon.

"A-ira..."
Halos ayaw lumabas sa bibig ko ang salitang yon. Tang ina lang! Ngayon pa ko tinamaan ng sobrang kaba.

"Para sayo.."
Sabay abot ko ng bulaklak na hawak ko.
Tinignan niya lamang ito at walang balak na tanggapin. Tumalikod lamang ito at iniwan ako doon. Di niya ako niyayang pumasok pero sapat na na hindi niya ako pinaalis at hinayaang bukas mag pinto. Agad akong kumilos at sinundan ito sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko pa lamang ay bigla kong naramdaman ang familiar na pakiramdam na matagal ko ng gustong maramdaman. Im finally home!





Woooah! Kamusta mga tropa? Lockdown e kaya nakapag-update. Enjoy!
Please subscribe to my YouTube Chanel. See you there!

https://youtu.be/LjZxgZ9CXok


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sandy's Love Affairs Where stories live. Discover now