Ilang araw din akong naging busy sa trabaho. Busy busyhan lang naman. Pauwe na ko mula sa trabaho ng may umagaw ng pansin ko.
"Janice?"
Kunot noo kong sabi ng makalapit ako sa babaeng sarap na sarap sa pagkain ng tinapay.
"Ako nga. At ang panget mo parin!"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kumakain duh?"
sabay subo nito sa kinakaing ensaymada.
Umupo naman ako sa tabi nito at ininom ang kape sa harap neto."So ano nga ginagawa mo dito? Sinong kasama mong bumyahe?"
"i came here dahil dito. "
Sabay wagayway sa hawak niyang ensaymada.
"Wala akong kasama at ang totoo may kailangan lang akong bilhin dito. ""Aba okay ah! marunong ka ng sumagot."
Nagkibit balikat lang siya.
"Eh ikaw bat ka andito? "
tanong naman nito saken."Luh malamang dito ako dumadaan pauwe. Sakto naman nasilayan ka ng magaganda kong mata. "
"Naks! Nakakabilib ka din e noh?"
"Naman!"
Mayabang ko sabi dito.
Natawa ako pero agad din naman akong nagseryoso."Gaano ba kaimportante yang bibilhin mo at bumyahe kapa ng apat na oras para dyan?"
tanong ko dito."Haaay! Paano kase wala samin nabibili na tulad nung bibilhin ko para sa mahal ko. Masyado kasi siyang malungkot at mukhang magpapakamatay na at alam kong yun lang makakapagpasaya sknya at makakasalba ng walang kwentang buhay niya."
"May mahal ka? Di ba sabi ko sayo liligawan kita?"
Gulat kong tanong dito at saglit kong itinigil ang pagkuha ng tinapay sa harap ko.Taas kilay naman itong lumingon saken.
"Joke lang yon diba?"
sabi niya at mataman akong tinitigan."Hindi.. Seryoso ako."
Doon naman siya natawa.
"Cute ng joke mo Sandy ha.. Pero last mo na yan ha?"
Sabi nito saken at pabirong hinampas ako."Seryoso nga ako.. Di ba sbi mo saken magmove on na ko sa mga problems ko at magsimula muli? At mangarap muli? Kaya heto gagawin ko na"
"At iyon ay ang pangarapin ako ganon?"
"Hindi pangarapin.. kundi ligawan!"
pagtatama ko naman dito." Okay fine! Pero ang tanong mahal mo ba ako ha?"
"Hindi. Pero kalangan paba yon?"
Walang emosyong sabi ko."Abnormal ka nga!"
Hindi ko pinansin ang sinabi nito.
"Iwan mo na yung mahal mo at liligawan na kita. "
Utos ko dito na parang nagpapauwe lang ng bata sa bahay.Kita ko naman na napapailing na lamang ito habang nangingiti.
"Ibang klase ka rin eh noh Sandy? Flattered ako actually. Lalo nat sa isng katulad mong maganda na more than one ang nilalaman ng puso. Tingin ko nga sobra kang magmahal e. Pero alam mo kase ...
Sandaling tumigil ito bago nakangiting sumulyap saken.
"Ang isipin palang na iwan ko siya sobrang sakit na. Hindi ko kaya. Kaya kung gusto mong gumamit ng ibang tao para makamove on sorry pero hindi ako yung taong makakapaglabas sayo sa kulungang kinaroroonan mo ngayon. Medyo busy kase ako e. "
YOU ARE READING
Sandy's Love Affairs
Romance"So friends?" Nakangiti nitong sabi saken habang ang isang kamay nitoy nakalahad naman sa harap ko. "No!" Napakunot naman ang noo nito. Hinila ko ang kamay niya at marahang inilapit ito sa katawan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko dito. "Best...