Part 3

123 2 0
                                    

Lizzie's POV

Naglunch kami ni Mrs. Torres sa cafe 5 minutes away from the office. Sinabi ko sa kanya, pinapakamusta sya ni Seb. Nagkwentuhan lang kami, tungkol sa buhay nilang mag-asawa. Sa buhay pamilya. Happy si Mrs. Torres sa asawa n'ya, faithful daw. Sa loob ng 30 years ng pagsasama nila, never daw na nambabae ang Mister nya. Walang bisyo, hindi umiinom, hindi naninigarilyo. Tumutulong din sa kanya sa mga gawaing bahay pag nakikitang pagod na s'ya. How I wish may makilala pa 'kong lalake na ganun. Ang tanong, meron pa ba? Nag order lang ako ng tuna sandwich at Strawberry shake, si Mrs. Torres coffee at cake.

Nagkakilala kami ni Mrs. Torres 5 months ago, bago palang ako sa office. Pumunta s'ya. Nagkataong wala si Seb nung araw na 'yun. May viewing kasi ng unit. Nagkakwentuhan kami, nagkapalagayan ng loob.

"Kamusta naman ang trabaho mo?" Nagslice si Mrs. Torres ng cake gamit ang tinidor, tapos ay kinain n'ya. "Hindi ka naman nahihirapan? Kung nahihirapan ka na sa work mo, sabihan mo lang ako. May mga kakilala ko na pwedeng makatulong."

Nginitian ko s'ya. Sumipsip ako ng shake. Tinanaw ko ang office namin. "Ok naman po. Madali naman po yung trabaho kasi mabait din naman po si Seb. Hindi po ako pressured."

"Speaking of Seb, mukha ngang mabait na bata yan. Kasi alam mo, pag may kailangan ako sa strata isang tawag ko lang talagang tinutulungan ako." Pagpapatuloy n'ya habang kumakain. Uminom ng konting kape. "Pero, mukang babaero no? Nung wala ka pa, naaabutan ko yan, may kasamang babae sa office n'ya. Ang ikli ng palda. Naku naman! Bihira akong nakakita ng lalake sa office nun."

Natawa ko. Yes, very Seb. On point ang description n'ya. Kung walang babae sa office, except me it's not Seb's office then. Kung hindi si Marg ang bisita n'ya, may iba pa. Sino nga ba yun? Blake! Yun nga. Mas matagal n'ya na yatang girlfriend si Marg kesa kay Blake.

"Eh ikaw ba, hindi ka ba nagkakagusto dun?" Walang ano-ano'y natanong ni Mrs. Torres.

"Po? Ako po? Naku! Wala po." Umiling-iling ako. Napainom ako ng tubig. "Hindi ko po type yung mga katulad ni Seb. Hahanap nga po ako ng tulad ng asawa n'yo." Nakangiti 'kong sabi.

"Kung ang mga anak lang namin naging lalake, ipapakilala talaga kita. Kaso, alam mo naman.. Puro babae ang lumabas sakin." Natawa s'ya.

"Oo nga po. Ok lang po yun. Meron pa naman po siguro d'yan. Kailangan ko lang po hanapin."

Hinawakan ni Mrs. Torres ang kamay ko. "Dadating yan. Bata ka pa. Wag kang magmadali." Payo n'ya.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 10 minutes before 1. Tinawag ko ang waiter, nag-order ako ng Double cheese burger at iced coffee.

"Para kanino yung inorder mo?" Usisa ni Mrs. Torres.

"Para po kay Seb. Kasi po kanina nung lumabas ako ng office, hindi pa din s'ya naglunch." Pag explain ko naman.

Tumango-tango si Mrs. Torres. "Ikamusta mo din ako sa kanya ha? Minsan nga, invite ko kayo sa bahay. Free ka ba kapag gabi? Dun kayo magdinner."

Tumango din ako. "Free naman po. Bahay at work lang naman po ako."

"Sige, ise-set ko yan. Sabihan mo si Seb ha?"

Ngumiti ako. Tumango tanda ng pag sang ayon.

Binayaran ko sa cashier ang inorder ko na burger at iced coffee. Nagpaalam na din ako kay Mrs. Torres.

Nagsimula na 'kong maglakad pabalik ng office. Nagsisibalikan na din ang ibang employees mula sa lunch. Pumasok ako sa building kung nasan ang office namin.

"Lizzie!"

Lumingon ako. Si Scarlet pala.

"How's your lunch? All good?" Magiliw n'yang sabi.

Love Always Finds A Way (Taglish) [OlStan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon