Part 5

73 2 0
                                    

Lizzie's POV

Oh, hello there handsome! Kaso may girlfriend na, sayang! Nginitian ko si Ryan. Emma and Tita didn't mind Ryan kissing my hand. I guess that's just the guy he is. That's his way of showing his respect.

"Halika, upo na kayo." Tawag samin ni Emma. Nakangiti s'ya samin. "Ma, tawagin mo na si Papa."

"Papa.." Tawag ni Tita Terry sa asawa n'yang si Tito Enrique.

Napangiti ako. Really, magkakaron pa kaya ako ng chance makakilala ng katulad ni Tito Enrique? Or kahit katulad na lang ni Ryan pwede na din. Basta yung matino, walang bisyo, ah dapat din hindi babaero.

Umupo na kami. Emma lead the prayer. After ng prayer, nagsimula na kaming maglagay ng pagkain sa plates. Kanya-kanya kami ni Seb. Nilagyan ni Emma ng pagkain ang plate ni Ryan, si Tita Terry and her husband? They are sharing in one plate!

"Ang sweet ng Mama at Papa ko no?" Nakangiting sabi ni Emma habang nakatingin sa mga magulang.

Yes, ang sweet nila! Sharing in one plate, tapos sinusubuan pa ni Tita Terry ang asawa. Nakakagaan sa loob na makakita ng mag-asawang ganito. Kahit matanda na sila, ang sweet pa din. With love, age doesn't really matter.

"Kain lang kayo ng kain ha? Sayang, hindi n'yo makikilala yung bunso namin. May pasok daw kasi." Nakatawang sabi ni Emma.

"May thesis daw.." Dagdag pa ni Tita.

Tinignan ko si Seb, sinasalinan n'ya ng juice ang baso ko. Pero failed! Natapon! White pa naman yung table cloth. I look at him, inabutan ko s'ya ng tissue.

"Sorry po, Mrs. Torres. Pasensya na po talaga." Paulit-ulit na paumahin ni Seb, habang pinupunasan ang lamesa.

"Tita Terry na lang. Tsaka ano ba, ok lang yan. Nangyayari talaga yung ganyan."

"Nadistract ka yata kasi kay Lizzie." Nanunudyong sabi ni Tito Enrique. Tinignan ako.

Halos mabulunan ako sa sinabi ni Tito. Kinuha ko ang baso na punong-puno, yung nilagyan ni Seb ng juice. Uminom ako. May konting juice na tumapon sa damit ko.

"Are you ok?" Tanong n'ya, inabutan ako ng tissue.

Pinunasan ko ang damit ko. Tumango ako. Ano daw sabi ni Tito, nadistract si Seb sakin? Bakit naman?

"Ano nadistract ka nga?" Pag-uulit pa ni Tito.

Ngumiti lang si Seb.

"Naku Papa, ikaw talaga. Ang hilig mo na mang ganyan. Pero ha.. Yung ibang niloko n'ya ng ganyan, nagkatuluyan." Sabi naman ni Tita Terry.

"Mama, I have an eye for that.. Alam mo naman 'yan diba?" Sagot naman ni Tito.

I froze. Teka, kami ni Seb? No! Not right now, not ever!

Past 8 na ng matapos kaming mag dinner. Kwentuhan ng konti. I checked my wrist watch. 9:30 na!

"Tita, Tito I have to go. Medyo late na din po kasi tsaka para po makapagpahinga na kayo." Paalam ko.

"Gusto mo dito ka na lang matulog? Kayo ni Seb.. We still have a spare room."

Umiling ako. "Thank you po. Aalis po kasi yung sister ko. Eh sa Sunday pa po ang balik." Pag explain ko pa. Tumayo na ko, ready ng umalis.

Tumayo na din si Seb. "Sabayan ko na po si Lizzie."

"Hindi na ba kayo papapigil?" Tanong ni Tita Terry, tumayo din sya sa pagkakaupo.

Tumango ako. "Opo. Pasensya na po, thank you po sa dinner."

"Oo nga po, ang sarap ng food. Tsaka pasensya po ulit sa nangyari kanina." Sabi naman ni Seb na nasa tabi ko na.

"O eh sige. Papa, hatid natin sila sa labas. Ano ka ba Seb, ok lang yon."

Tumayo si Tito Enrique. Nauna na kami ni Seb na maglakad.

"Bye Lizzie, bye Seb!" Sabay na sabi ni Emma at Ryan.

Kumaway ako sa kanila, ganun din si Seb.

Katulad din ng ginawa n'ya kanina, he opened the car door. Gently place his hand on my head, making sure I will not bump on to his cars ceiling.

Kumaway kami kina Tito at Tita bago tuluyang pinatakbo ni Seb ang kotse. Awkward silence.

"Hatid mo na lang ako sa train station." Sabi ko sa kanya, nakatingin ako sa labas ng sasakyan.

"Ha? Bakit? No, hatid na kita sa inyo. Gabi na, delikado." I can sense concern on his voice.

"Hindi ko kasi alam yung way papunta samin kapag may sasakyan. Baka maligaw ka lang." Pag alibi ko. Pero bakit nga ba ayaw ko na magpahatid? Tama naman s'ya, gabi na. Delikado sa daan.

Kinuha n'ya ang cellphone sa pants, habang ang isang kamay n'ya ay nasa manibela pa rin. "May GPS naman diba?"

"Baka kasi maligaw ka pag uwi." Naghahanap talaga ko ng reason para hindi n'ya ko maihatid.

"I will be fine, trust me."

And, I wasn't able to do anything after. He relied on the GPS for the directions going to our house. It was 20 minutes away from Tita Terry's. Pero hindi kasi isang straight na daan lang. May mga lilikuan pa.

We didn't talk for the whole time. Until I told him to stop. Few houses away and I can see ours.

"Ok na ko dito." Sabi ko sa kanya, I started unbuckling the seatbelt. I put my body bag on.

While I was doing that, I didn't notice he went out the car. I just felt someone opened the door for me. Ok. I feel special. Why is he suddenly doing these things? "Thanks." I said as I help my self out from his car.

He smiled at me. "Good night Lizzie."

I smiled back. "Good night."

Then I started walking away. There's a part of me telling "turn around and see if he's still there." Pero bakit ko gagawin yun diba? I mean, do I even care if he's still there?

But my curiousity get the better of me. I look back. And there he is. He looks dashing! Just standing , leaning on his car, smiling at me. He waved his hands and I waved back.

Mabilis akong naglakad papunta sa bahay. Wala na si Ate, nakaalis na.



A/N:
Read Winterwitch oneshots and kinikilig ako! 😁
Feeling down, frustrated. 😢
Tuloy ang forever ng Olstan!

🐷🐷😘😘

Love Always Finds A Way (Taglish) [OlStan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon