Chapter 7: Nice ACT

79.2K 2.1K 514
                                    

Chapter 7: Nice ACT

KEEHAN'S P.O.V

Galit na galit?

Hahaha.

Natutuwa talaga ako kapag naiinis sya.

Pakiramdam ko, buo na ang araw ko pag nakikita kong nakakunot ang noo nya.

Ang weird lang pero ang cute nyang tignan pag ganun sya.

Aissssh. Ano ba tong iniisip ko?

Hindi ako palasalita pero dahil sa kanya, maya't maya na kong napapaimik. Tsk.

Napaka kulit kasi.

Kailangan mo talagang bantayan maya't maya kundi, ako ang malilintikan kay daddy pag napahamak ang unica hija ng kumpare nya.

Bakit kasi ang tigas ng ulo nya.

Lahat nalang ng lalaki, inaway nya? Hindi ba pwedeng wag nya nalang pansinin para hindi sya lalong lapitan?

Tssss.

Tapos kung manamit pa.

Babaeng babae. Kung pumorma, akala mo, namamasyal lang. Kaya sya nababastos ng ganyan kasi iba ang dating nya. Nasa boys school pa mandin sya.

Naalala ko tuloy yung titig ni Kent kanina sa dibdib nya.

Lintik na Kent yan.

Nag iinit ang ulo ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit pero naiinis ako.

Tumayo na ko sa lamesa ko sa SC office at dumeretso sa faculty room dala dala ang mga assignment namin sa Physics.

 

"good morning ser" bati ko matapos kong makapasok ng faculty.

"oh! Goodmorning Mr. Sylvestre." bati din nya at lumipat ang tingin sa hawak kong mga notebook. "put it there" turo nya sa isang shelf sa tabi ko.

Tumango nalang ako at sinunod ang utos nya.

"alis na ko ser" walang emosyong sabi ko at tumalikod na ko.

"wait. if ever you see any of the school's maintenance, please assigned them to clean the faculty's comfort room." utos ni ser kaya nag okay nalang ako.

Pupunta pa nga pala kong detention room. Tsk.

Lumabas ako ng faculty at nagtungo sa 4th floor kasi, nandun ang Detention room.

Maingay sa hallway at maraming nagkalat na mga lalaki.

Nagtatawanan, nag kukulitan at yung iba, nagbabatuhan ng football.

Tsk.

Hindi pwedeng mapunta dito si George.

Paniguradong babastusin lang sya ng mga to.

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon