Chapter 9: Duplicate Key
George's P.O.V
Ilang araw ko silang iniwasan. Mag iisang linggo akong nagdadrama sa room at nagpapanggap na walang club A boys na nakikita.
Bakit nga ba sa kanila ko nagagalit? Eh wala naman silang kasalanan.
Pero ganun pa man, kasama sila sa rason kung bakit binabash ako ng milyon milyong tanga-hanga nila . :3
Galit ako pero hindi masyado.
Ano daw??
Ay labo -___-
Bahala sila sa buhay nila.
*Knock knock knock*
Pakshet!!!
Kiniclick ko uli yung 'tap'
Kanina pa ko paulit ulit sa nilalaro ko pero hanggang ngayon, 3 parin ang highscore ko! San ako nagkamali??! San ako nagkulang?!!
Eh? -_-
Bwisit na flappy bird to!
At bwisit yung kumatok na yun, nga pala! Tae.
High score na eh, nauntog nga lang:3
Bakit kasi ang laki ng nguso nang bird na to?
*Knock knock knock*
Kumatok ulit sya and this time, narinig ko na ang boses ng butler ko. Saying: "Madam George, nasa gym na po si Ms. Dindy. Pumunta na daw po kayo dun. Now na"
"oo na. Sige. Sabihin mo, saglit lang. Mag aayos lang ako" sigaw ko pa at nag okay nalang si harris.
Tumayo na ko mula sa pagkakasalampak ko sa FUCHSIA QUEEN SIZE BED ko at nagpunta sa walk in closet ko para kunin ang susuotin ko.
Nagsuot ako ng Dobuk , binitbit ko naman ang headgear, arm and chingard at mouthpiece na gagamitin ko.
Tumingin ako sa salamin at inayos ang black na belt ng Dobuk ko at inayos ang ponytail ko bago tuluyang tumalikod at pumunta sa nakapatong kong bag sa kama. Nilabas ko ang wallet ko at tinignan ang litrato ng isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko.
"ginagawa ko to para sayo kuya" hinaplos ko ang kaisa isang litrato ni kuya na meron ako.
naramdaman ko ang ang init ng mga mata ko. "tignan mo na ko ngayon kuya. malakas na ko. kayang kaya ko ng magpatumba ng mga lalaki." i smiled at the thought.
"kung sana, dati palang nag aral na ko ng taekwondo, sana... sana nandito ka pa."
BINABASA MO ANG
Adonis Academy: School for boys (complete)
JugendliteraturAdonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Adan ang mga estudyanteng nag aaral dyan. eh Ang tanong, pano nangyaring nagkaroon ng kalahi ni Eba sa...