A/N: I'm currently writing a historical romance novel. Thanks to Missteriousspazzer for the book cover! :D This chapter is dedicated to you!
EPILOGUE
KEEHAN'S P.O.V
The first time i saw her sa school, kinilabutan kaagad ako.
pano ba naman, bata pa lang kami, Gustong gustong gusto ko na sya.
nakatayo ako sa malaking bintana ng room namin nung matanaw ko syang bumaba mula sa sasakyan nila.
Halos mapatalon ako sa bintana sa sobrang gulat.
di ko naman inaasahan na magkikita pa kaming dalawa. At talagang enrolled pa sya sa club namin. Nung sinabi sakin ni papa na may inenroll na babae sa club namin, hindi naman ako naalarma pero nung makita ko na kung sino yun, lumakas talaga ang tibok ng puso ko.
sobrang ganda nya parin.
i tried to calm myself pero hindi ko nagawa.
"oh leader. parang natataranta ka yata?" pansin sakin ni Kit.
"w-wala." nag iwas ako ng tingin bago sya nilampasan.
hindi ako makapag desisyon kung susunduin ko ba sya sa lobby o hihintayin ko nalang syang mahanap ang room namin. Pasalamat nalang ako at biglang sumigaw si Theo.
"Guys guys!!! may babae sa club natin!!!!" tuwang tuwa nyang sabi. "ang ganda! chix na chix mga pare!" dagdag pa nya na ikinakunot ng noo ko.
"tsss"
walang ano ano akong naglakad palabas ng room at nung sumakay na ko ng elevator, dun ko na napansing kasama ko pala silang lahat. Mga nagsisunuran din sakin pababa.
pero di ko na sila pinansin pa. Ang tanging nasa isip ko nalang ay kung paano ko sya haharapin.
damang dama ko ang kaba sa puso ko.
nagpapawis na din ang mga palad ko.
Ni minsan, hindi ako nagkaganito sa isang babae. Ni minsan, hindi pa ako nagkagusto sa kahit na sino.. bukod tanging sa kanya lang.
Nung magkaharap na kami, parang gustong sumabog ng puso ko. kinakabahan talaga ako. sana hindi nya maramdaman ang panlalamig ng kamay ko. hinahatak ko pa naman sya palayo sa mga tao.
Napaka taray parin nya. wala syang pinagbago pamula nung makilala ko sya. nadagdagan lang yung kasungitan nya pero okay lang. Gustong gusto ko parin sya.
"Hoy!" sigaw nya pero di ko na sya pinapansin. tinalikuran ko kaagad sya matapos ko syang hilahin palayo dun sa mga lalaking kaaway nya sa lobby.
."Hoy!" alam kong nakasunod sya sakin habang pilit akong tinatawag pero di ko parin sya nililingon. kinakabahan talaga ako. natatakot akong magtapat ang mga mata namin tapos makilala nya ko. ewan! basta ang lakas ng tibok nang puso ko nung nakalapit na ko sa kanya.
"Hoy!" hinatak nya na ang laylayan ng damit ko at natigilan ako. I don't know kung dapat ko ba syang harapin o hindi pero sa huli, nilingon ko parin sya. Napalunok nalang ako nung magtapat ang mga mata namin.
puno ng inis yung mga mata nya pero okay lang. sanay na kong makita syang ganyan noon pa man.
"bakit ba?" tanong ko na ikinalunok nya. halata ko kaagad na kinabahan sya nung magsalita ako. di ko naman alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Adonis Academy: School for boys (complete)
Teen FictionAdonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Adan ang mga estudyanteng nag aaral dyan. eh Ang tanong, pano nangyaring nagkaroon ng kalahi ni Eba sa...