Chapter 25: Sick?
GEORGE'S P.O.V
“Georgie! Okay ka lang?”
“san masakit George?”
“namumula ka Georgie!!”
Ang dami nilang tanong sakin.
Tsss. Mukha ba kong Okay?
Namumula na nga ako tapos OKAY? Umiiyak na nga ako tapos OKAY? Manhid ba sila? Tsk.
Naiinis parin ako kahit nakalupasay na sa lupa si Ryan. Naiinis ako dahil sa ginawa ng sa picture ng kuya ko.
“dalhin nyo sya sa Guidance Office. Sabihin nyo ang nangyari” narinig ko lang ang boses ni Keehan, napatingin agad ako sa gawi nya. Kamusta na kaya sya?
Nakita kong hirap na hirap syang maglakad.. At naglalakad sya papalapit sakin.
“Kee---”
“ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” napasalubong ang kilay ko dahil sa cold pero halata mong galit na tanong nya.
“Leader” sambit ni Hunsel sabay pigil sa braso ni Keehan.
“kanina lang, parang wala ka sa sarili mo tapos ngayon naman, maaabutan kong nakikipag away ka. What is wrong with you? Bakit ba ang takaw mo sa gulo ha Georgina?” there! Tinaasan nya na ako ng boses. Ano bang alam nya?!
Pasalamat sya at may bali sya!May awa pa ako sa kanya kaya hindi ko sya papatulan. Tsk
“you know nothing” kalmado pang sagot ko tsaka tiim bagang na tinalikuran sya.
“don't you ever turn your back on me!” sigaw nya sabay hila sa braso ko.
“ANO BA KEEHAN?!” sigaw ko nung maiharap nya ko sa kanya.
“Leader, mamaya nyo na pag usapan to.” pakikisabat ni Kai.
“oo nga. Tsaka na---pag hindi na mainit ang ulo nyo” dagdag pa ni Kris.
“No” madiing sambit ni keehan. Mas lalo lang sumama ang tingin ko sa kanya at ginantihan nya naman ako ng galit na tingin.
“what?!” inis ko pang sabi.
“Tell me! Bakit ba ang hilig mong gumawa ng gulo?!” Kumunot lalo ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Adonis Academy: School for boys (complete)
Teen FictionAdonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Adan ang mga estudyanteng nag aaral dyan. eh Ang tanong, pano nangyaring nagkaroon ng kalahi ni Eba sa...