Chapter 47: trust issue

46.9K 1.3K 106
                                    

Chapter 47: trust issue

GEORGE'S P.O.V

 

"anak kooooo"

Naalala ko yung ngiti ni papa sa twing tinitignan nya ko.

Inis na inis ako dati dahil ang kulit kulit ni papa pero sa isang iglap, gusto ko na ngayong maramdaman yung pangungulit nya. Mas gugustuhin kong makita yung pagkaisip bata nya kaysa ngayon. Ang tahitahimik nya. Nakapikit sya at kahit na ano pang gawin ko, hindi na sya mumulat pa.

Pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko kasabay ng paghaplos ko sa salaming naghaharang sa aming dalawa ni papa.

Ang payapa ng mukha nya.

"Magpahinga ka muna"

tumingin ako sa likod ko para harapin si Heinz.

"Why are you still here?"

Pinaalis ko na sya. Pinalayas ko na sya. Ayoko nang may nakapaligid saakin dahil pakiramdam ko, may tatraydor saakin.

Lahat na nga nang katulong namin, pinalayas ko na. I just want to be alone.

"i won't leave you" matigas nyang sagot saakin.

"i fired you already! Please lang, umalis ka na! I won't pay you even if you stay!"

Hindi sya nagpapadala sa galit ko. Diretso lang syang nakatingin sakin na para bang pinagaaralan ang kabuuan ng mukha ko.

"i don't care. I'll stay"

Nagtiim ang bagang ko at nakipagsukatan sa kanya ng tingin pero hindi sya nag iiwas ng tingin. Humugot ako ng malakas na hininga bago naglakad palayo at binangga sya sa balikat.

Pero natigilan ako nung humarang sa daan ko si Atasha.

"Georgie"

Pinaglapat ko ng mariin ang mga ngipin ko para pigilin ang inis ko.Ayoko syang makita! Ayokong narito sya!

"please talk to me" Nangingilid ang gilid ng mga mata nya.Bumuga lang ako ng hangin at umiling.Pambihira!Ano sya ngayon? Nagpapaawa? Tsss.

Inirapan ko lang sya at nilampasan.

Hindi ko pinansin lahat ng taong kumakausap sakin. Wala akong pinansin kahit isa. Wala akong matignan sa mga mata.

I don't need their sympathy!

Nagdirediretso ako sa kwarto ko pero bago ko pa man yun maisara, naitulak na ni Atasha yung pinto at pumasok sya.

Kumunot ang noo ko.

"Why the hell did you follow me?" Inis na inis ko syang tinignan. "i told, i want you out of my life! Hindi pa ba malinaw sayo yun? Ayoko nang makita ka p----"

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon