Chapter 35: Sabat pa
GEORGINA'S P.O.V
Everyone keep on staring at us.
Sino ba namang hindi mapapatingin? At sino ba namang hindi mawiwindang?
Ang dating magkaaway, ngayo'y holding hands na magkasabay?!
It's really awkward for me kaya nakayuko lang ako habang naglalakad papuntang room pero sya...
"wow leader! kayo na talaga?! Iyong iyo na sya?!" may lumapit sa aming lalaki. Nagtaas ako ng tingin para tignan sya. Sobrang laki ng ngiti nya at amuse na amuse sa nakikita.
Tinignan ko naman ang reaction ni Keehan.
Pinipigilan nya ang pagngiti through bitting his lower lip. But he can't hide the smile kaya naman feeling ko namumula na rin ako.
Kailangan ko nang makaalis sa harap ng mga to. Baka mapansin nilang namumula ang cheeks ko. That'll be more embarrassing!
"She’s mine alone even if she's still not my girl"
oh c'mon! Aalis na ko.
Naiilang ako! Jusko.
I've never been in such relationship kaya hindi ko alam kung pano pigilan ang feelings ko. I don't even know how to admit to myself that I’m not single at all. Pano namin aaminin sa harap ng mga to na kami na?!
NO WAAAAY.
ayokong malagay sa hot seat!
"still? So...." ngumisi yung lalaki at nagtaas ng kilay. Para bang waiting for keehan to confirm na tama ang nasa isip nya.
Pinisil ko yung kamay ni Keehan kaya agaran syang napalingon sakin. Tinignan ko lang sya na mukhang nakuha nya naman.
"we have to go" aniya tsaka ako tuluyang hinatak paalis.
Narinig ko pa ang daing nung lalaki nung hindi sya sinagot ni Keehan.
Napakagat ako sa labi ko sa twing nakikita ang tingin nung mga kaclub namin.
Nakahinga nalang ako ng maluwag nung makapasok na kami ng elevator.
Kami.. As in kaming dalawa lang.
Bumuntong hininga sya bago ako hinarap. Natignan ko lang sya nung hawakan nya ko sa chin at iangat ang ulo ko.Nakanguso sya nung magtama ang paningin namin."bakit ka nakayuko?" mahinang tanong nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pano kung sabihin kong nahihiya ako? Baka isipin nyang kinakahiya ko sya. "hindi lang kasi ako sanay. Sorry" Nagpalipat lipat ng tingin ang mga mata nya sa mga mata ko. Gumagalaw ito na para bang inuusisa ang magkabilang mata ko. Akala ko nung una, magagalit sya dahil sa isinagot ko pero bigla syang ngumiti kaya napatigil ang pagtibok ng puso ko.
"it's okay." ngumiti pa sya lalo. "masasanay ka din" at bigla nya kong hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Adonis Academy: School for boys (complete)
Teen FictionAdonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Adan ang mga estudyanteng nag aaral dyan. eh Ang tanong, pano nangyaring nagkaroon ng kalahi ni Eba sa...