Chapter 48: Lunch

48K 1.2K 88
                                    

Chapter 48: lunch
GEORGE'S P.O.V

Weeks have passed at sobrang namimiss ko na si papa.

Dalwang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon, para parin akong wala sa sarili ko.

Miss na miss ko na ang papa ko. Gusto ko na syang makita. Isang linggo na ang lumipas simula nung mailibing sya. Isang linggo ko nang di nasisilayan ang mukha nya.

Bakit kailangang mangyari to sakin? Ano bang nagawa ko para masira ng ganito ang buhay ko?

"Young lady" Nakatayo lang ako sa harap ng hapag kainan nung biglang dumating si Heinz. "kumain ka na. Baka lumalig pa ang almusal mo"

May tumulo nanamang luha sa pisngi ko. Hindi ko sya pinakinggan bagkus, nilibot ng mga mata ko ang paligid.

Sobrang lungkot. Sobrang tahimik. Sobrang sakit makitang wala nang nag aantay sakin sa lamesa.

Wala na ang papa ko. Wala na ang dating nakangisi at bumabati sakin ng 'Good morning anak koooo'

Sinisante ko na lahat ng katulong pero itong si Heinz, ayaw paring umalis. Hindi ko sya pinapansin, para lang syang hangin para sakin pero ganunpaman, nandyan parin sya at sinasamahan ako. Sya nalang ang nandyan sa tabi ko.
Ayokong kasama sya dahil. Gusto ko lang mapag isa pero nagmamatigas sya.

"Kumain ka na young lady. May klase ka pa. Hindi ka na pwedeng umabsent ngayon dahil----"

"shut up" Yun lang ang sinabi ko bago umupo sa lamesa.

Isang linggo akong lumiban sa klase dahil ayokong makakita ng kahit na sino.

Buong araw, nagkukulong lang ako sa kwarto. Magdamag lang akong nagmumukmok at umiiyak habang inaalala ang pamilya ko.
Mahirap ang mag isa pero mas mahirap ang marami kang kasama na unti unti ding mawawala sayo.

Ayoko na. Ayoko nang maiwan pa.
Mas pipiliin kong solohin ang buhay ko kaysa masaktan pag nawalan nanaman ako. At isa pa, wala na akong tiwala sa kahit na sino sa paligid ko.

Napangiwi ako nung maamoy ko ang pagkain.

Parang gusto kong masuka sa baho.

Ano ba to? PANIS?

"are you gonna poison me to death.!" napatayo ako "what the hell did you serve me? A spoiled food?!"

hinagis ko yung table napkin sa ibabaw nung pagkain at tinalikuran ito.

Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Heinz pero binaliwala ko nalang yun.

"there is nothing wrong with the food George" matigas nyang sabi.

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.

"well i already lost my appetite"

Tuluyan ko na syang iniwan sa dining area at nagtungo na sa sasakyan ko.

I don't know what's happening to me. Minsan sobrang takaw ko. Madalas akong matakam sa ketchup. Kahit na anong pagkain basta may ketchup, gusto ko. Pati nga si Heinz, ang sarap iluto at iulam. Ang weird pero hindi ko na yun pinansin. tapos ngayon? madalas wala na akong ganang kumain, ang baho baho kasi ng mga ulam.

Di naman yata marunong magluto yung lalaking yun. Di nalang kasi umalis. Kaya ko namang mag isa. Kaya kong umorder ng pagkain ko. Tsk.

I parked my car at the usual slot and slammed the door after i went out.

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon