Chapter 50: key

65.8K 1.5K 206
                                    

chapter 50: Key
GEORGE'S P.O.V

Life is unpredictable.

Ni hindi sumagi sa isip ko na magiging ganito ang storya ko.
Na ang kagaya ko, mararanasan ang malupit na mundo pero sa isang iglap, may dadating na kasiyahan sa buhay ko,.

Parang Abno lang noh?

Paiiyakin ako ng bongga tapos pakikiligin naman. 
Ngayon tuloy, naniniwala na ko na ang buhay ay parang kwarto ni author. MAGULO.
Dejoke lang. 
Ang buhay ay parang eroplano. Minsan nasa taas, minsan nasa baba.  :-) yern, pinag isipan XD

At kung nung mga nakaraang araw, masasabi kong nasa baba ako, sa puntong to ngayon, pakiramdam ko, nasa taas na ko.

I'm so happy.
I feel blessed. :)

Narinig ko ang malakas na paghinga ni Keehan sa gilid ng mukha ko kasabay ng mas lalong pag igting ng yakap nya sa bewang ko.

Ang himbing ng tulog nya. Napaka amo ng mukha nya pag tulog. Napaka Hot naman pag gising XD napangiti nalang ako.

Ang sarap pagmasdan ng mukha nya. Sino kayang magiging kamukha ng anak namin? Kung sya, okay lang sakin pero mas gusto ko paring ako ang kamukha.

"Hmmmmm." Bigla syang umungol at mas sumubsob pa sakin.

Tumaas ang kilay at tinignan sya kung gising na ba pero bigla syang bumangon ng nakapikit at hinalikan ako sa labi.

what theeee......

"Good morning Flores" nakamulat na sya at nakangiti nung bitawan nya na ang lips ko. Ang laki laki ng ngisi nya. 
Ang saya nya ata?

Napangisi na din ako bago ko hinawakan ang pisngi nya at bumulong ng "Good morning din Sylvestre"

Naningkit ang mga mata nya sa laki ng ngiti bago muling bumaba ang ulo at sa noo naman ako hinalikan.
Matapos yun ay umupo na sya sa kama ko at hinatak ako para makabangon na din.

"Ang sarap gumising pag araw araw ganito" aniya nang hindi binibitawan ang kamay ko.

Hinawi ko ang buhok ko dahil nasisiguro kong magulo nanaman yun nung bigla  nya kong hilahin at inipit sa pagitan ng mga bisig at  dibdib nya.

Para syang gigil na gigil akong yakapin.

"I love you!"                                                            

Bahagya akong natawa sa kaswetan nya. Talagang sinigaw nya yung i love nya ah!

"I love you too"  bulong ko sa tapat ng dibdib nya.

Kumalas na sya sa yakap at sya na din mismo ang nag ayos ng gulo gulong buhok ko.

He’s so sweet. Sa ginagawa nyang to, naaalala ko tuloy si papa. Nung bata ako, si papa ang nag iipit ng buhok ko. Si papa ang nag brubrush ng buhok ko para makatulog ako. Si papa ang tumayong ina ko.

Nakatitig lang ako sa mukha nya habang hinahawi nya yung nagkalat kong buhok sa mukha.
Masyadong maliwanag sa buong kwarto kaya klarong klaro sa paningin ko ang itsura nya. At dahil dun, napansin kong may pasa nga pala sya sa mukha.

"keehan" seryoso nang sambit ko na ikinatigil nya sa ginagawa nya.
Ngumuso ako. "San mo nakuha yang mga pasa at cuts mo?"
.

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon