Chapter 20: poser
GEORGINA'S POINT OF VIEW
Puro practice ang inatupag ko. Wala namang klase kaya okay lang. May kanya kanya kasing business ang mga estudyante.
Yung iba, nagpapaka abala sa mga booth. Yung iba, sa sports. Yung iba naman, sa academic competitions naghahanda at yung iba, sa mga sayaw, kanta, at iba pang kachurvaness para sa mga bisitang darating.
I bet, invited si papa sa school fest pero alam kong hindi sya makakarating.
May business transaction yun sa Korea. May inimeet na drug dealers. Wahahaha. Joke lang -_-
“bukas na ang laban kaya magsibalik na kayo sa mga dorm nyo. Magpahinga na kayo para maikondisyon ang mga sarili nyo. Ayoko ng may dadaing na masakit ang katawan bukas. Naiintindihan?”
Sabay sabay lang kaming nagsitanguhan. Tumayo na kami at nag ayos ng sarili bago lumabas ng training gym.
“ms. Flores” tawag sakin ni coach kaya napatingin ako sa kanya. “come here for a while”
Isinakbit ko muna ang training bag ko tsaka lumapit. Nakipag apir naman muna sakin sila Kit at nag paalam na mauuna nang umalis.
“Bakit po coach?” tanong ko nung makalapit ako.
“i'm confident na kakayanin mo ang makakalaban mo bukas but still, you're a girl and you're gonna compete against boys so....” tumango ako, sign na naiintindihan ko ang sinasabi nya. “Goodluck” ngumiti si coach at tinaas ang kamay nya. Gusto atang makipag hi-5.
I smiled and slap his palm. “thanks coach” sabi ko. “gagalingan ko. Promise!”
Nagnod sya at nakangiting yumuko. “ikamusta mo nalang ako kay coach Dindy ha.”
Tumingin ako kay coach ng may pang aasar. “ehem. Yun naman pala! hahaha” i laughed at the thought.
Type nya si Coach. Kaya pala mabaet! Hahaha. Well, anyway, bata pa naman tong si Coach Miggo. Magka age lang sila ni Coach Dindy, actually. Pero mas gwapo parin ang kuya ko kaya mas bagay sila ni Coach Dindy.
But my brother doesn't exist at all.
“basta ha. Galingan mo bukas. First time in history na may babaeng representative ang club A sa taekwondo. At isa pa, alam kong product ka ng napakagaling na si coach Dindy. I know, you wont disappoint her.” si coach Dindy nanaman.
“haha. Okay sir.” nagthumbs up ako at umalis na.
Madilim na sa labas. Mabuti nalang at bukas ang ilaw sa lobby ng hotel alike naming school building kaya kampante akong hindi marerape sa dilim.
XD
BINABASA MO ANG
Adonis Academy: School for boys (complete)
Teen FictionAdonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Adan ang mga estudyanteng nag aaral dyan. eh Ang tanong, pano nangyaring nagkaroon ng kalahi ni Eba sa...