Chapter 40: End of the month (part 1)

62.3K 1.6K 263
                                    

Chapter 40: End of the month (part 1)

 GEORGINA'S P.O.V

Grabe.

Natatae ako.

Feeling ko, sasabog na yung puson ko sa sobrang kaba.

End of the month na so it means.... Lalabas kami ni keehan! Makakasama ko sya for the whole day! Outside the school grounds! Kinakabahan ako ng malupet. Oh Gosh.

To: Keehan

-'anong plano?'

hanep ang text ko. Parang killer lang tas may evil plan. Well anyway, i don't care. Wala ako sa sarili ko para magcompose ng mas angkop na text message. Hindi ko kasi malaman kung pano kami magkikita ni Keehan. Kung pupuntahan ko ba sya sa dorm nya? O kung magkikita nalang kami somewhere?

Haaaaay.

Nadagungdong ng todo ang puso ko. Tumayo ako at humarap sa salamin. Ayos na ayos na ko at ready na sa kung saan man kami pupunta ngayon ni Keehan.

Simpleng pang lalaking t-shirt lang ang suot ko. Nabili ko sa culture. Ang cute kasi. Ganito kasi pumorma si Keehan kaya natripan kong gayahin. In a fabulous way ;)

Ang shuni pa nung print sa gitna. It's a black t-shirt na may print na ang nakalagay ay.

'me.

You.

Bed.

Now.'

Haha. ang catchy nung message. Lol.

Naka skinny jeans din ako at pony rubber shoes.

I never imagine myself wearing such outfit like this before. Kung dati, pinaka simple na sakin ang pagsusuot ng skaters skirt at loose sando, well, hindi na ngayon. Occasionally nalang ako magsusuot ng ganun.

Tinignan ko ulit ang phone ko. nakagat ko pa ang labi ko nung makitang wala syang reply.

Tuloy ba kami ngayon? Pano pag hindi? Araaaay. Umasa pa naman ako.

Ibinato ko ang phone ko sa kama kasabay ng pabagsak kong paghiga dun.

Tinitigan ko lang ang kisame habang maya't mayang sinusulyapan ang phone ko. Ngumuso ako lalo nung hindi parin sya nagrereply kaya napagdesisyunan ko nang tawagan sya kaso lang....

*knock knock*

"young lady" Bumangon ako nung marinig si Heinz mula sa labas ng pinto. "someone's been waiting for you" Kumunot ang noo ko bago tuluyang tumayo.

Inaayos ko ang buhok ko nung buksan ko ang pinto para harapin si Heinz.

Nakapoker face lang sya at nakapamulsa sa tapat ng pinto ko.

"enjoy" sabi pa nya tsaka ako tinalikuran. Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong enjoy? I just shrugged before i went back inside my room to get my phone and took some step downstairs.

sino naman kaya yun? Baka naman si Atasha lang? pero bakit naman pupunta si Atasha? May date sila ni Samuel, sure ako dun kaya bakit sya mapapadaan dito samin?

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon