Chapter 17: Birthday ng Chix
GEORGINA'S P.O.V
Hindi ako tanga, hindi ako bobo, hindi ako engot at hindi ako 'PANGET' (kahit walang konek) para hindi maisip na posibleng maunod si Atasha ng game.
Sumali ako sa taekwondo and ofcourse, alam kong may head gear kaming suot sa game kaya hindi talaga nila makikita ang mukha ko. Kung may kakilala man akong manunuod, i'll make sure na hindi nila ako mamumukhaan.
“masyado ka atang nag te-training George. May sasalihan ka ba?”
tanong ni Coach Dindy.
“yes coach.”
sabi ko sabay sipa sa punching bag.
“really? Where? When? Bat di mo naman ako iniinform? Wala manlang akong kaide ideya. haaaay”
at nagpout pa sya.
“naku coach. Wala lang yun. Maliit na tournament lang. hehe”
maliit ba yun?! Ay ewan! Basta wag sanang manuod si coach. Di nya alam na sa boys school ako nag aaral eh :3
Ang hirap talaga ng buhay pag may secret ka.
Alam ni papa na sumali ako. Kahit ayaw nya, nagpumilit ako.
Ano bang laban sakin ng papa ko? Di nya kaya ako kayang pasunurin. Hehehe.
Maliban pala kung may pang blackmail sya.
Mabuti nalang at di nya na ako pinagbantaang ipapamigay ang collection ko ng barbie. Remember? Yung pinang blackmail nya sakin noon?
Tssss.
“naku...”
napapalakpak ng isa si coach habang nakatingin sa kawalan na para bang may bigla syang naalala.
“tomorrow is your 17th birthday right?!!!”
Uhhh... Yeah? -____-
And i'm not excited.
“yep”
sumipa pa ko ng isa. Mas nagcoconcentrate ako sa pagtetraining. Wala naman akong paki kung ano bang mangyayari sa birthday ko.
Sana, pinagbook nalang ako ni papa ng flight papuntang Paris. Mas matutuwa pa ko kung yun ang magiging pabirthday nya sakin. Kesa naman mag paparty sya ng sobrang bongga. Fake friends ko lang naman ang aattend. Mga social climber kong ex schoolmates. Mga attention seeker kong ex classmates. Mga weird and annoying kong admirers.
Tsssss.
Tomorrow will be a NO-FUN PARTY for sure.
“NOOOO!!!”
bigla nya kong hinatak sa parehong braso ko palayo sa punching bag.
“b-bakit?”
takang tanong ko naman kasi pinigilan nya kong sumipa.
“bukas na ang birthday mo diba? Bakit ka nagpapaka pagod?! Lagot ako sa papa mo! Stop na tayo! Magpahinga ka na para di masakit ang katawan mo bukas! Naku. Itong batang ito talaga oo!”
at hinatak nya ko palabas ng gym.
“eh coach dindy----”
magmamaktol pa sana ko pero tinulak nya na ko papasok ng kwarto at sinara.
“matulog ka nalang”
sigaw nya mula sa labas ng pinto. “gabi na din naman. Next time nalang kita itetrain okay? Just call me some other time and i'll be here! I'll help you! Paborito yata kitang estudyante. Hahaha. Goodnight Georgina!” at nawala na sya. Umalis na sya kasi nung sumilip ako sa labas ng pinto, wala nang coach dindy akong nakita.
BINABASA MO ANG
Adonis Academy: School for boys (complete)
Teen FictionAdonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Adan ang mga estudyanteng nag aaral dyan. eh Ang tanong, pano nangyaring nagkaroon ng kalahi ni Eba sa...