Chapter 49: Keehan's Baby

61.5K 1.6K 291
                                    

Chapter 49: keehan's baby
GEORGE'S P.O.V

Pakiramdam ko, umiikot ang mundo ko.

GAD! Ano ba talagang nangyayari sakin?

Kanina pang umaga ako nahihilo at parang sukang suka. Hindi naman ako nilalabasan ng suka pero sht, hapon na at labasan na pero ganito parin kasama ang pakiramdam ko.

"George" naglalakad na ko palabas ng field para pumunta sa kotse ko nung bigla namang lumitaw si Keehan at hinatak ako sa braso.

Nilingon ko sya nang nakakunot ang noo. Dun ko lang napansing hinihingal sya. Hinatak ko yung kamay ko para mabawi at tinignan ang paligid ko.

Halos karamihan sa mga nakapalibot samin, mapa Club A, B or C man ay nakatingin sa aming dalawa.

"N-namumutla ka."

Pansin ko ang gulat sa mukha nya nung mag angat sya ng tingin at matignan ako ng diretso.

Nagtaas lang ako ng kilay. "so?"

Kailangan ko na tong gawin.
Hindi sya lalayo sakin kung aasta parin akong mabait sa kanya.
Kailangan kong maging mataray, by that, lalayuan nya na ko.

"u-uhhh... Ihahatid sana kita pero----"

"di na" pinutol ko na yung sasabihin nya at muli syang tinalikuran.

"wala na ba talaga?"

Nakahakbang lang ako ng isa pero natigil kaagad ako nung maging seryoso na ang tono ng boses nya. I mean, seryoso naman talaga pero iba yung dating ngayon. Alam kong galit sya. Ang boses palang nya, nagsusumigaw nang galit sya. Pano pa kaya ang reaction sa mukha nya?

"wala na ba talagang halaga sayo ang nararamdaman ko?"

I bit my lower lip habang unti unting lumalakas ang paghugot ko ng hininga.

Hinarap ko sya at dun nagtama ang mga mata namin.

Ang lungkot ng mga mata nya pero hindi ko maipagkakailang may galit ring namumuo sa mga ito.

Hindi ako nakapagsalita.Napatunganga lang ako dun at hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata nya.

"you want me out of your life?" humakbang sya papalapit nang hindi bumibitiw ng tingin. Hindi nanaman ako nakasagot.

Speak George!

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil di ko magawang makapagsalita.

"Say it again. Tell me you want to break up with me. Tell me you don't love me at all. Say it again...."

Unti unting lumabas ang galit sa mga mata nya.

Lumunok ako habang nag iisip ng dapat na sabihin ko.

Dumadami na ang nakatingin sa aming dalawa at ayokong ipahiya sya sa harap ng lahat but he gave me no choice.

I heaved out a sigh as my words slowly went out of my mouth.

"keehan.. Tumigil ka na" Tumigil nga sya. Gusto kong isumpa ang sarili ko nung makita ko ang pagtutubig ng mga mata nya.

Pinipigil nyang umiyak.
Pinipilit nyang hindi patuluin ang mga luha nya.

Nanghihina ako sa nakikita ko.
Nasasaktan sya at kagagawan ko yun.

"layuan mo na ko" sa sinabi kong yun, alam kong wala nang 'kami'. Pinuputol ko na ang ugnayan naming dalawa. Huli na to. Hindi ko na kaya.

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon