Chapter 15: meet their father

75.7K 1.7K 456
                                    

Chapter 15: meet their father

GEORGE’S P.O.V

Ilang oras na ba kong tulog?

24 hours na ata?

Hahaha. Dejoke lang.

Siguro 21 hours.

Nabangon kasi ako tuwing kakain na. 1 hour sa pag kain then tulog na.

Ang boring kasi sa bahay!! Alam nyo yung feeling na, ang dami daming pwedeng gawin pero tinatamad ka?! mas feel ko pang matulog! Pero mas feel kong nasa school!

Ay ano bang sinabi ko?

Ako? Feel kong pumasok?

Sa Adonis Academy?

Oh c’mon!  ano ba yung nasabi kong BAD WORD!?

*tok tok tok*

“madam  George, handa na po ang pagkain. Bumaba na po kayo. Now na”

Di ko sinagot yung sinabi ni butler Harris.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsisintas ng Rubber shoes ko.

May pasok na kasi ngayon. At himala lang kasi first time kong mag rurubber shoes na papasok.

I mean, yung naka pormal ako tapos naka rubber shoes! Nag rurubber shoes naman ako pag naka P.E. uniform pero pag hindi, i usually wear heels or doll shoes.

Getz? If not, then kill yourself! Hahaha.

“gising na po ba kayo madam?”  *tok tok tok* nasa pinto parin sya? O_o

Niribbon ko na yung sintas ko at pumunta sa pinto para lumabas nang.....

O__O napanganga si butler Harris nung makita ako.

“Problema mo?” tanong ko sa kanya. Napatikom naman sya ng bibig.

“w-wala po. Nakakagulat lang po ang ayos nyo ngayon” parang di makapaniwalang sabi nya.

“oh tapos?” pagtataas ko ng kilay.

“bagay lang po sa inyo madam” ngumiti sya habang magkahawak yung pareho nyang kamay at nakatingin sa suot ko. “bumagay po sa buhok nyo” dagdag pa nya.

“ah okay” yun nalang ang sinabi ko at nilayasan na sya.

Baka magka interviewhan pa kami dun. Mahirap na, baka di ako makapag almusal nyan.

Bumaba na ko sa grand stairway namin at naglakad patungong dining area pero napatigil ako nung nakita ko ang repleksyon ko sa harap ng makintab na bintana ng office ni papa.

Tinignan ko ulit ang itsura ko dun.

Di talaga ko makapaniwala.  Naka above waist jeggins ako at naka hang in na damit. Maliit lang yung damit pero keri lang. di parin kita ang pusod dahil mataas yung waist nung pants ko. di ko feel yung damit pero.... whatever,  maganda parin ako! And besides, i like the Eiffel tower print sa jeggins ko XD

Umupo na ko at kumain. Matapos yun, umalis na ko at nagpahatid sa school.

Di ko nanaman nakita si Papa. Palagi nang busy sa trabaho.

Puro pagpapayaman ang nasa isip.

Tssss.

Bahala na nga.

Ako naman ang nakikinabang -___-

“card?”

Nakakasawa na yang line na yan ha!

Adonis Academy: School for boys (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon