3 months later

789 5 0
                                    

MARGES’S POV

Grabe ang tagal ng Intal na yun, panis na ako dito sa Mcdo at di ako maka order dahil sabi niya ililibre  niya ako ng lunch, ahhh kupal talaga yun paasa.

Hay ayaw ko pa namang nag iisa lagi, paano ba naman naiisip ko bigla si Anjo pag mag isa lang ako, hay 3 months na din nung last na nag usap kami, tama nga si ate Den Den na mas shorten nga ang healing atleast mas madali ko natanggap  mga nangyari pero ang moving on yata talaga ang matagal, kasi lagi ko padin siya namimiss, bago ako matulog nati tempt pa rin akong mag text at mag goodnight sa kanya, araw araw padin akong nagigising na parang may butas yung dibdib ko, pag monthsary namin, may part sakin na umaasa na bigla nalang siyang susulpot sa isang tabi tapos isu-surprise ako katulad ng dati, hay ang hirap mag move on, lalo na kung ang daming pinapaalala sayo ng mga lugar at tao, siyempre dito naman sa Ateneo lahat nag start e, sa Eliazo Dorm may memories, sa Blue Eagle Gym may memories, sa Park, sa Cafe, sa Ground, sa parking area sa lahat may memories, pati mga kaibigan namin same halos, grabe ang hirap  talaga, at higit sa lahat miss ko na siya, yung kahit ultimo paglalakad lang namin ng tahimik, yung ngingiti  lang siya pag hinahatid niya ako sa dorm dahil wala na kaming mapag usapan, yung ngiting yun tapos yayakapin niya lang ako tapos hahalikan niya forehead ko tapos bubulong siya ng “I love you babe” kahit yun namimiss ko, hayyy ito na ba yung sinasabing first love never dies? Nakakaloka naman!

REX’S POV

Papasok na ako ng Mcdo ng patakbo kasi late na late na ako sa usapan namin ni  Marge, grabe yung group meeting namin ng class sobrang tgal yan tuloy, hay san kaya siya banda nakaupo? Ayun sa gilid sa may windows, Urrrggghhh nakatulala nanaman siya, pang ilang beses ko na ba siyang nahuhuli na parang wala sa sarili? Pero di ko nalang pinapansin noon kasi nga di ko naman karapatang sitahin siya dahil kakabreak lang nila noon pero ngayon? Grabe 3 months na halos pero wala ganyan parin, shemai si Anjo nanaman sigurado ang iniisip nito, minsan tong babaeng ito akala niya naloloko niya kami na ok na siya, kasi nga naman nakakatawa na, nakakangiti na uli, nakakausap na ng matino, makulit na ulit,nakikipag asaran nadin, pero akala niya lang benta sa amin yun, kahit si Jirah at Jho pag nakakausap ko ganun din ang sinasabi na halata namang di pasiya nakaka move on, hay nakaka bothered.

REX: HEY hey hey Tejada!! Sorry kanina kapa?

MARGE: Magtatanong kapa diyan, obvious naman dahil alas dos na po! Ang usapan natin 12 pm tayo magkikita, dalawang oras mo akong inaghintay, buti wala na akong class.

REX: E may meeting paara don sa group project namin eh

MARGE: Duh! Sana nagtext ka man lang diba? Wagas ka magpahintay Intal

REX: At talagang nai-rhyme mo  pa yun ha? Sige na sorry na nga, gutom lang yan, ano ba kainin mo? Order na ako.

MARGE: Dapat lang, uhm wait ayun!, 1 pc. Chicken, large fries, sundae, large coke

REX: grabe naman yan!! 100 lang budget ko sayo.

MARGE: hoy pagkatapos  mo akong paghintayin dito ng dalawang oras, deserve ko yan noh!!

REX: O sige na sige na, sus pag tumaba naman ng kung maka jogging kala mo wala ng bukas.

MARGE: Ano? May sinasabi ka?

REX: tumaba ka sana!

MARGE: kainis ka!! Basta yun ang kakainin ko, dahil gutom ako.

REX: Hahaha sige na order na ako.

HABANG KUMAKAIN

REX: grabe ka Marge para kang militar kung kumain hahaha

MARGE: Bakit ba? E libre mo naman, behlat!!

REX: pero infairness maganda kapa rin kahit ganyan ka kumain J

MARGE: oh I know that already, you don’t have to rub it :D but thanks  for reminding  me, kaya love kita brother e.

REX’S POV

Wow that  hits so  hard! Brother? As in BROTHER? Yun parin tingin niya sa akin until now? Anak ng tinapa tong babaeng ito, ewan ko ba kung bulag o manhid o ano? After all di parin niya magets signals ko? Pag minamalas ka nga naman oh.

MARGE: Uhmm wait ano nga pala meron at nanlibre ka ng lunch? Ano kapalit nito ha?sabihin mo na ngayon palang.

REX: Uy grabe ka ha, ikaw na nga itong nilibre ikaw pa yang maghihinala diyan, grabe ang sama ng tingin mo sa akin!

MARGE: Sus, ang drama drama, ano nga?

REX: Di kasi diba nilibre mo ako ng snack the last time kasi nanalo kami sa game, so Im returning the favor dahil nanalo kayo nung weekend, tyaka ang fierce mo nung game nayun.

MARGE: Achuchu kahit pinilit mo lang akong ilibre kita noon? Ayy ang sweet mo talaga.

REX: Shut up Marge! Don’t patronize me ok?

MARGE: OK ok chill ka lang, para sinasabi ko lang e. Tyaka totoo naman,

REX: Marge......

MARGE: hahaha ayaw mo talaga na  pinupuri ka noh?  Haha ok na di na kita aasarin.

REX: Good

REX’S POV

Kakahatid ko lang kay Marge ngayon, hay nasungitan ko pa tuloy kanina, hay kasi naman sasabihin niya na sweet ako, pero alam ko naman na ang sweetest guy parin para sa kanya is si Anjo, grabe ang hirap makipag kompetensiya sa ex niya na nagkataong bestfriend ko pa, hay pare koy, ang daya mo naman taas ng standards ni Marge dahil sayo.

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon