BRO CODE

753 9 1
                                    

ANJO’S POV

Parang gago talaga to si Rex, pinaghihintay ako dito sa gym,  at dito pa sa tagong part, ang dilim, tyaka mamaya lang dadating na AWVT mamaya makita pa ako ng  mga yun, ano pa isispin.

REX: Bro kanina kapa?

ANJO: Oo pero ayos lang, ano ba sasabihin mo bro? Bakit di nalang sa phone? Mamaya  makita pa ako nila Marge dito e, nakakahiya.

REX: Di ka nun makikita, nakalimutan mo na ba? Na yang glass panel na yan e one way lang?

ANJO: Oo nga noh? Grabe nakalimutan ko kaagad yun.

REX: Dibale bro next year naman lagi kana uling nandito.kamusta pala? Nakakabawi kana sigurado.

ANJO: Oo bro, mas madali ngayon, focused e.

REX: Uhm bro may sasabihin sana ako sayo.

ANJO: Grabe akala ko papahabain mo pa ang pasakalye e, ano ba yun?

REX: Bro, gusto ko kasi si…….

ANJO: Si Marge?

REX: Paano mo nalaman?

ANJO: Bro ako ang bestfriend mo, nakalimutan mo naba?

REX: Di ka galit?

ANJO: Galit? Hindi, nanghihinayang oo, pero ok na yun bro, di naman na kami e.

REX: Sorry bro, hirap pigilan eh.

ANJO: Alam ko kaya nga di na ako nagulat  e, tyaka noon pa, pansin ko na yung care mo sa Kanya, pag nag aaway nga kami diba, grabe ka makapag payo, tapos  lagi mong sinasabi na ang  swerte ko dahil ako ang boyfriend niya.

REX: Napansin mo pala.

ANJO: Pero bro seryoso, sabi ko sa sa sarili ko nung nag break kami, na babalikan ko siya pag tapos na lahat ng problema ko, pero kung magiging kayo naman bro igagalang ko yun,  kaya wag ka mag alala.

REX: Salamat bro.

ANJO: Bro alagaan mo ha (sabay nguso sa glass panel kung saan makikita ang AWVT at si Marge na pawisan habang tumatakbo)

ANJO: Pag ganyang nagti train siya wag mong ipapaalam na nanonood ka kasi mako conscious siya sa itsura niya, minsan din insecure yan e. kapag sinabi niya sayong ayaw ka niya makausap dahil nag away kayo, wag kang maniniwala, dahil saglit lang siya din ang unang magsasalita. Kapag wala na kayong mapag usapan dahil naubusan kayo wag ka mag panic, naeenjoy niya yun, comfortable silence ika nga. Kapag talo sila sa game abangan mo na siya sa dug out dapat may dala ka ng chocolate nun. Kapag umiiyak siya dahil sa drama movie, abutan mo lang ng tissue, wag mo siyang iko comfort dahil  pakiramdam niya weak siya, ayaw niya yun. Pagbigyan mo siya kung ayaw niyang mag skirt kapag  date niyo, kasi di siya komportable. Matakaw yan kaya dapat mag ipon ka bago mo siya yayayaing mag date pero di naman ikaw ang magbabayad lahat dahil ipipilit niya na hati kayo, wag mong ipagpipilitan na ikaw ang lalaki kaya ikaw dapat ang magbabayad, naku mag aaway talaga kayo, para sa Kanya walang ganung rule kasi parehas palang kayong estudiyante kaya dapat hati kayo sa gastos ng date. At higit sa lahat wag mo akong gayahin bro, ayaw niya sa taong walang originality, heheehe.

REX;  Salamat bro, wag ka mag alala aalagaan ko.

ANJO: Sige na bro alis na ako, gabi na rin e, traffic pa pauwi. Alam ko di mo sasabihin sa kanyang  nag usap tayo. Sige na sa likod pa ako dadaan para di niya ako makita.

REX: Sige salamat uli.

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon