Jirah's

744 8 0
                                    

REX'S POV:

Ito na yata yung pinaka nakakaasar na araw sa buhay ko, nung isang gabi, nasa Eliazo si Anjo, kausap si Marge, pinalampas ko, kanina naka piggy back si Marge  kay Anjo, ang saya nila tignan, kung hindi ko sila kilala iisipin kong magka relasyon sila, kungsabagay sino lang ba sa mga tao dito sa campus ang hindi nakakaalam na dating sila, popular couple pa nga dati e, match made in heaven pa, nung nag break din sila ang daming nakaalam, kahit yung mga taong di naman sila kilala  ng personal, sigurado yung mga nakakita sa kanila kanina magiging masaya, kasi iisipin nila nagkabalikan na yung dalawang yun, putsang gala naman, ano mahal paba ni Marge si Anjo? 

Teka si Jirah ba'to? naka upo mag isa sa swing? anong ginagawa nito dito eh gabi na, at nakatingin  sa malayo.

REX: Layo ng tingin ah

JIRAH (nagulat): Uy!! kanina kapa diyan?

REX: Di naman, paupo ha, layo nang tingin mo ah, may problema ka noh?

JIRAH: Wala may iniisip lang ako.

REX:  Sus, e kaninang umaga mukhang ang lungkot mo din eh, ano ba yun?

JIRAH: Ang kulit mo naman, wala nga.

REX: Alam mo ang problema, lalong mahirap i-handle pag tinatago.

JIRAH: Bakit, pag sinabi koba sa'yo matutulungan mo ako?

REX: Try me!!

JIRAH: Sige nga paano mo gagawan ng paraan na bawiin ng Mommy ko ang annulment case nila ni Daddy? Sige nga aber?

REX: Uy di nga? hala seryoso ba yan?

JIRAH: Alangan namang mag joke ako tungkol don, timang ka talaga.

REX: Sorry ha, ang hirap niyan.

JIRAH: Exactly, kaya pwede wag kanang umepal, kung ako nga mismong anak e di alam ang gagawin ikaw pa kaya.

REX: Nasabi mo naba to kay Marge? Sigurado gugustuhin nung malaman.

JIRAH: Kagabi ko lang naman nalaman e, di ko pa nasasabi, pero sasabihin ko din naman eventually, pero baka pagkatapos na ng wedding anniversary ng parents niya, ang pangit naman kung ikukwento ko before yun diba?

REX: Kungsabagay...

JIRAH: Oh ikaw, ano naman ginagawa mo dito? Maliban sa pang iinis sa akin?

REX: Wala tatambay sana, mag iisip isip din.

JIRAH: Tungkol saan? Tungkol sa inyo ni Marge?

REX: Oo eh, parang biglang gumulo kasi.

JIRAH: Huh? Bakit naman?

REX: Ewan ko, kagabi nakita ko si Anjo sa Eliazo,  nag uusap sila ni Marge, pinalampas ko na kahit di ikwento sakin ni Marge ok lang kasi magkaibigan naman sila, naintindihan ko yun eh..

JIRAH: O naintindihan mo naman pala eh, anong problema  don?

REX: Ito ka, kanina talaga ako nainis, nakita ko sila naka piggy back si Marge kay Anjo, at  ang saya nila tignan pareho, alam mo yun, alam halos lahat ng tao dito na wala na sila at ako nanliligaw na ngayon kay Marge, tapos makikita silang ganun? Ano yun diba? 

JIRAH: Rex alam mo bago ka mag selos, tanungin mo kaya muna si Marge, di ka naman nun sasadyaing saktan eh, bestfriend ko yun kaya alam ko, ikaw na ngayon ang nasa buhay  niya.

REX: Ewan ko bahala na, pero ikaw ba, kungwari yung ex mo lumapit sayo, tatanggapin mo padin? kahit may someone na na alam mong umaasa at naghihintay sayo?

JIRAH: Ayaw ko magbigay ng kahit anong sagot sa tanong mo, cause I might judge you, Anjo and  Marge pag sumagot ako, alam mo yun, ayaw ko maging one sided dito by putting myself in Marge's shoe, kasi di ko alam, paano kung someday mangyari din sakin yang nangyayari sa inyo? siyempre gusto ko hindi rin ako i-judge ni Marge especially behind my back, as much  as possible pinipilit kong intindihin yang nararamdaman mo at kung ano mang reason kung bakit ganun  ang ginawa ni Marge, tyaka one's situation is defer from one kaya I can't comment on that.

REX: Hay, oo nga naman...

JIRAH: Alam mo talk to her about that, para matahimik ka, at aalis na ako, bye...

REX'S POV:

Buti pa ito si Jirah, nakausap ko ngayong araw, samantalang yung bestfriend niya, hay.

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon