This is what we are made of..

751 7 1
                                    

Kinabukasan sa Eliazo Dorm, tahimik ang lahat, pagkagising walang imikan, nakaka panibago na ganito ang eksena pero parang walang gustong mag umpisa ng usapan, sa kwarto nila Den Den,  Aerielle, Mae, Ella at Alyssa kung saan natulog si Marge..

MAE: Hoy Ella tulog paba yang katabi mo? (points to Marge na naka talukbong)

ELLA: Ssshhh wag  ka nga.. lakas ng boses, mamaya tulog pa nga ito, hala ka tapos di pa pala humuhupa  ang init  ng ulo.

DENDEN: Oo nga Mae lakas ng voice mo, maya pati si Aly magising e..

AERIELLE: Ano kaya masarap na breakfast?

ELLA: Uhhmm wag hotdog baka lalong uminit ang ulo ng mga magkakaaway

ALYSSA (NAGISING): Bakit sinong magkaaway?

DENDEN: Para kang timang andun ka naman kagabi sa Tagaytay ah, kung makatanong ka best parang wala kang alam.

ALYSSA: Bakit may  nag away ba kagabi sa Tagaytay?

AERIELLE: Hindi ang ibig sabihin ni Den Ly is yung sa Tagaytay ang pinagmulan ng gulo.

ALY: Oh yun? paano?

DENDEN: Kagabi kasi  nung tulog kana lumabas kami ng room ni Aerielle mag CR sana kami, tapos nung dumaan kami sa kwarto  nila Jirah, aba may nag sisigawan na, pagtingin namin, ayun sila Jho, Jirah, Mich at Marge, di namin narinig lahat, pero hula namin may kinalaman daw sa pakikialam nung tatlo sa ginawa ni Rex.

ALY (NAKITA ANG TULOG PANG SI MARGE): So kaya dito natulog yang babaeng yan?

ELLA: Tumpak!! nagulat nga ako kagabi eh, bigla nalang tumabi sa akin, tapos yumakap, e di ko na tinanong.

ALY: E sakin di  naman galit? diba nga ako pa ang nag keyboard kagabi?

MARGE (kanina pa pala gising at nakikinig) : Bakit ate Aly sinolsulan mo din ba si Rex?

ALY: Ayyy juskopo!! bigla bigla ka namang nagsasalita!! Sinolsulan? hindi humingi lang ng pabor yung tao, e sino  naman ako para hindi tumulong diba?

MARGE: Atleast di ka katulad ng mga yun na sinita ako sa pagwa-walk out ko, pero sila naman ang mga paasa kay Rex.

MAE: Pero Marge, sa tingin ko parang offensive nga yung walk out mo kagabi.

DENDEN: Tyaka Marge, pwede namang di ka na lang nagsalita pero nag stay kaparin, napahiya kasi yung tao.

MARGE: Alam ko naman yun mga ate eh, kaso nagulat kasi talaga ako.

ALY: Pwede ka namang mag sorry e.

ELLA: At pwede ba, mag usap kayo nila MIch, grabe yung away niyo kagabi rinig namin ni Mae dito.

MARGE: Masyado sila mga pakilamera e, nakakainis na. Bakit naman kayo hinahayaan niyo ako sa mga gusto ko, nag aadvice lang, di katulad nila.

AERIELLE: Marge, kung magkakasing edad tayo lahat dito, laging may rumble sigurado, kami kasi although di naman sa sobrang tanda na ha, e kami kasi kungbaga mas  mature  na kami sa   inyo, tyaka Marge concern lang sila sayo.

DENDEN: Although kuha din namin yung  point mo, pero kasi di kami sanay na may mga ganyang away  dito.

ALY: Try  to understand them tyaka siguro nagtampo din sayo mga yun dahil feeling nila di mo na appreciate ginawa nila.

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon