Mr. Swabe is torn!

612 5 0
                                    

"THE SERIES "IKAW ANG LAHAT SA AKIN"  MIGHT BE THE LAST PROJECT FOR THE ENRIQUE GIL-SANDRA ALVAREZ LOVE TEAM FANS TO ENJOY"

ENRIQUE: Ano'to? Seryoso po ba ito?

MR. MANOLO (The Manager): SIyempre hindi, kailangan lang gawan ng issue para malaman natin kung paano  magre-react ang mga tao, strategy ika nga.

ENRIQUE: Eh ok naman po team namin ni Sandra diba? Bakit kailangan pa po gawan ng pseudo-issue?

JUSTINE (Road Manager): Actually Quen,  marami kasing nag react nung guesting mo sa Bandila, sabi nila na may tinatago ka daw girfriend at pinapasakay mo lang ang mga tao at pinapaniwala na si Sandra yung tinutukoy mo, siyempre alam mo naman ang fans, dapat ibigay lagi ang gusto.

ENRIQUE: Teka, wala akong pinapasakay na si Sandra yun, di ko lang  talaga pwedeng sabihin ang pangalan niya.

MR. MANOLO: Pero girlfriend mo ba ang babaeng ito na tinutukoy mo?

ENRIQUE: Nililigawan ko palang..

MR. MANOLO: Then stop courting her..

ENRIQUE: What!? No I  wouldn't do that! I love her!

MR. MANOLO: Kahit hanggang makapag pilot episode lang ang teleserye niyo, after that kung magiging maganda ang kalabasan then go and court her again, pero wag ngayon Quen,  madaming pera ang masasayang..

ENRIQUE: I am doing it discretely Sir, kaya siguro naman walang magiging issue kung itutuloy ko ang panliligaw ko sa kanya.

JUSTINE: Quen, sana pag isipan mong mabuti, hindi lang career mo ang nakasalalay dito pati narin ang kay Sandra, one wrong move and everything might end for her, atleast ikaw kahit paano mas matagal kana sa business na ito. 

MR. MANOLO: Kaibigan mo si Sandra, aminin mo man o hindi malaki ang nagawa niya sa career mo ngayon son,  alam kong hindi mo siya kayang ilaglag ng ganun ganun nalang, sana pag  isipan mong mabuti.

JUSTINE: Hindi ka namin dinidiktahan Quen, nakikiusap kami, kahit hanggang mag start lang ang Telesrye and after that you are fine. 

MR. MANOLO: Bigyan mo ng panahon  para kahit paano makapag establish si Sandra  ng sarili niya.

ENRIQUE: Ok, susubukan ko..

SA ELIAZO..NAKATANGGAP ULI SI  MARGE NG ROSES THIS TIME EIGHT ROSES, MEANS 8 DAYS OF COURTSHIP, EVERYDAY MAY ROSES DELIVERY PARA SA KANYA AT EVERYDAY DIN NADADAGDAGAN ITO, SIYEMPRE HINDI PARIN NAWAWALA ANG MGA TAWAGAN AT LOVE  LETTERS  NI ENRIQUE PARA SA KANYA. 

JIRAH: Wow besh, consistent ha, infairness..

MARGE: Sa tingin mo seryoso talaga siya?

JIRAH: Oo naman, bakit in doubt kapa rin?

MARGE: Wala lang, di pa kasi uli kami nagkikita, tyaka ito namang mga gifts at flowers madali lang namang iutos ito eh..

JIRAH: Pero yang mga love letters? For sure effort yan, tignan mo hand written pa nga lahat eh..

MARGE: Kungsabagay, hay siguro naninibago lang ako sa mga ways niya..

JIRAH: Siguro nako-compare mo siya kila Anjo at Rex no?

MARGE: Siguro..

JIRAH: Besh, wag, kasi  ang layo ng deperensiya niya don sa dalawa, oo nga at di rin naman madaling maging student-athlete katulad nung dalawa, pero sila andito rin lang sa Ateneo, eh si Quen jusko ni hindi nga yata yun nakakakain ng maayos dahil sunod sunod ang trabaho, kaya besh wag ka sana masyadong mag isip ng ganyan.

MARGE: Siguro nga dapat sa ganyang set up ako mag ready pag naging kami na..

JIRAH: Tama! Eh kelan  mo ba balak sagutin si Mr. Swabe?

MARGE: Baka pag nagkita kami :)

JIRAH: Agad??

MARGE: Besh alam mo naman yung feelings ko for him diba? So bakit ko pa patatagalin, tyaka malapit na mag start yung season gusto ko kami na bago yun, hehehe para inspired ako  lagi sa game..

JIRAH: Landi mo din eh!!!

MARGE: Hahahaha hindi nagmamahal lang

JIRAH: Korni pa!! haha pero besh support kita diyan, support ka naming lahat :)

MARGE: Salamat besh... 

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon