I got you..

739 9 4
                                    

REX'S POV:

Isang buwan na rin ang nakakalipas, pero hanggang  ngayon hindi parin kami nakakapag usap, nagpatuloy ang relasyon namin ni Janine, pero ang relasyon namin ay hindi ang uri ng relasyong pinangarap ko noon, away ng away, selos siya ng selos kahit na sabihin ko pang hindi na kami nagkikita ni Marge, minsan nakakainis na, sana hiwalayan nalang niya ako kesa ganito, parang araw araw nalang kailangan kong patunayan na hindi ako nagloloko, kalokohan nalang talaga tong relasyon na ito.

Ito ako ngayon, naka tanga sa may park, katatapos lang nanaman ng mahabang away sa phone. Tsk!

JIRAH: Andito ka nanaman?

REX: Hoy!! Hahaha ikaw lagi mo  akong sinusundan.

JIRAH: Di ah!! Ano kamusta? Layo ng tingin kanina ah, si Janine nanaman ba?

REX: Hay may bago  paba? Araw araw naman

JIRAH: Malala na yan ah..

REX: Tinatanong ko naman kung gusto niya mag break nalang kami, ayaw naman, tapos araw araw naman akong pinaghihinalaan. Di ko na alam kung anong gagawin.

JIRAH: She loves you that  much, alam mo yung kantang "baliw"? yun na yun ang  bagay sa inyong dalawa  haha

REX: Hay naku kelan kaya matatapos lahat ng ito? 

JIRAH: Buti nakakapaglaro kapa ng maayos niyan, hay  naku problema nga naman.

REX: Ikaw pala kamusta na parents mo?

JIRAH: Ayun ewan ko everyday lalong lumalala yung galit ko sa kanila, parehas silang makulit, pati si Besh  kinukulit nila na kausapin ako para paliwanagan ako.

REX: Hindi mo parin sila kinakausap? Oh anong sabi sayo ni Marge?

JIRAH: Naiintindihan naman ako ni Besh, katuwa nga, nung tumawag sa kanya si Mommy kagabi sabi niya nalang na mas maganda kung hahayaan muna nila ako kasi mahirap para sakin. Blessed talaga ako sa bestfriend kong yun, after ko ikwento sa kanya parang nabasa niya na yung utak ko na ayaw ko muna umuwi ng weekends at makita sila.

REX: Pero bakit nga ba ayaw mo umuwi during free weekends niyo? Ayaw mo silang makita?

JIRAH: Oo, ayaw ko na uli makakita ng mga bagay na nakita ko na nung bata ako, It's like removing a knife in your chest and bring it back again.

REX: Sa tingin mo yung mga bagay na yun ang nagtulak sa Mom mo na mag file ng annulment? I mean siguro knowing that will help you understand them, perhaps.

JIRAH: Siguro....May mga time nung bata ako na magigising ako sa gabi dahil nag aaway sila, magkatabi lang yung rooms namin nun eh, tapos si Dad laging wala kasi nga pilot siya siyempre alangan naman lagi siyang nasa bahay, minsan naman  sweet sila, masaya, lalo na nung magkakaroon na ako ng baby brother, yung panahong buntis si Mom yun na yata yung isa sa mga pinaka masasayang buwan sa bahay.

REX: May kapatid ka pala, akala namin only child ka.

JIRAH: Hindi, si Besh lang nakakaalam, namatay din naman yung baby nung pinanganak ni Mommy, premature kasi, grabe grieve ni Mom noon, I was just 5 y/o then pero di ko na nakalimutan ang itsura nilang dalawa habang umiiyak sa may hospital bed.

REX:  You think yung pagkamatay ng baby yung turning point?

JIRAH: Hindi rin, magulo naman kasi talaga sila e, kaya di ko na alam ang turning point. I guess simula palang kasi di na maayos sa kanilang dalawa kaya ganun. Alam mo ba na halos 19 lang si Mommy nung pinagbuntis niya ako tapos si Dad 21, si Mommy nasa college pa, si Dad fresh grad at nagsisimula palang sa Pilot school, eventually they need to get married kasi nga ayaw pumayag nila Lolo na lumabas ako sa mundo ng bastarda, sabi ng tita ko iyak daw ng iyak si Mom noon dahil ayaw niya pa magpakasal, bata pa siya eh, tapos si Dad hindi alam ang gagawin, dahil nga nag aaral uli siya after college tapos kailangan niya na agad buhayin kami ni Mommy. 

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon