hung over

653 4 0
                                    

After an hour umuwi na din ang ALE, naabutan nilang nanonood ng TV si Marge, nakasimangot at  mukhang badtrip parin...

ELLA: Hoy! (sabay batok kay Marge)

MARGE: Aray naman  ate!!

ELLA: Kanina kapa nakauwi ah! Bakit sambakol padin yang pagmumukha mo?

MARGE: Sirang sira na kasi ang gabi ko.

DENDEN: Ah kaya pala nilayasan mo kami sa party? Ganyan ka ha, nang iiwan ka basta basta.

MARGE: Eh kasi may nangyari eh kaya umalis na ako..

ALYSSA: Ano? nadumihan ang dress mo? kaya kahit magpaalam sa amin di mo man lang nagawa?

MARGE: Busy nga kayo masyado sa pagtiktik sa mga boys eh, sabi ako ng sabi na masakit ulo ko deadma kayo.

AERIELLE: Aba kasalanan pa namin na naging mahina kami sa mga tuksong nakapalibot sa amin?

JHOANA: Naks naman makata ate Yel ah..

AERIELLE: Naman :D

MARGE: Alam ko naman na misan lang magtamasa ng mga gwapong tanawin yang mga mata niyo kaya feeling ko hindi niyo na mapapansin na umalis na ako.

MAE: Eh gaga ka pala eh, nag alala kaya kami! Paano kung may nangyari sayo pauwi? Mag isa kapa naman.

MARGE: Ok, sorry na nga po..

BEA: Eh bakit ka nga ba umalis kaagad? Sabi mo kanina nasira ang gabi mo, ano bang nangyari?

MARGE: Ganito kasi yun (kinuwento lahat ng nangyari sa kanila ni Enrique)

JIA: Ha?  Sinabi mo lahat yun sa kanya?

MICH: Grabe ka naman Marge!

ALYSSA: Hindi ba siya nag sorry sayo nung nabangga ka niya?

MARGE: Nag sorry, pero halatang hindi sincere.

ANA: Tyaka sinundan ka niya sa labas, sincere siya for sure!

DENDEN: Masyado naman yatang mabigat yung mga salita mo sa kanya Marge, dahil lang sa isang pangyayaring di naman niya sinasadya.

ELLA: Wow lalim maka tagalog best ha, pero may point ka,(pasigaw) hoy! Tejada! may point siya!

MARGE: Kahit na nakakairita parin! (nakasimangot parin)

ALYSSA: Hoy! (tapik ng malakas sa likod ni Marge) para kang sira ulong batang nagmamaktol, tigilan mo yang kaartehan mo, paluluhurin kita sa monggo!

MARGE: Ate Ly naman eh, hindi na ako bata!

ALYSSA: But you are acting like  one, (umupo sa tabi ni Marge) oo napaka childish, para yun lang  ang nagawa sayo nung tao, hindi naman siansadya,nag apologized pa nga, sinundan kapa sa labas, anong ginawa mo? Marge ano nalang iisipin nun sayo? Tyaka pinagsasabihan kalang naman namin.

MARGE: Pinagtutulungan niyo nanaman ako :(

AERIELLE: Alam  mo Marge parang ibang tao kana, may sapi kaba?

ANA: Ipatawas na yan!!!

DENDEN: Ana...manahimik ka...

ALYSSA: Marge ano kaba? pinagsasabihan kalang namin, pero kung minamasama mo, ok wala ka ng maririig galing sa akin o sa amin, sige matutulog na ako, baka nakakaabala kami sa panonood mo (akmang tatayo na)

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon