Nandoon lang ako nakatayo sa gitna ng oval ground, nakatingin sa kanya, palayo ng palayo. Kahit mabagal ang mga hakbang, alam kong determinado siyang iwan ako ng tuluyan. Kasing dami ng pumapatak kong luha ang mga pagsisisi sa lahat ng kagaguhan ko. Ang dami kong sinayang sa pagpayag na hindi niya na ako pwedeng bigyan ng pagkakataong bumawi at ayusin lahat ng maling nagawa ko. Teka, ano lang nga ba ang nasabi ko kanina habang tianatapos niya ang kung anong meron kami? Paulit ulit lang na "mahal na mahal kita, wag mo ako iiwan"paulit ulit na parang batang musmos lang na nagmamakaawang wag agawan ng candy o laruan, lintik ang laki kong gago.
Siguro kung ako din ang nasa kalagayan niya na matagal na at paulit ulit na nagtitiis sa kung ano lang ang kaya kong ibigay e magsasawa nadin, matindi pa nito wala akong kayang ipangako na magiging pagbabago sa relasyong halos siya lang nga naman ang naghirap na dalhin.
kaya ito ako ngayon parang timang na nakatanga sa kanyang likuran, laglag ang mga balikat, may sandamakmak na dumadaloy na luha sa mga mata.
Ano nga ba ang nangyari? bakit nauwi sa ganito? AAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGHHHHHHHHH ayaw ko na balikan pero leche ito na si flashback of memories,pwedeng i pause pero di pwedeng ma stop.
BINABASA MO ANG
for the love of margarita (marge tejada's love)
FanfictionI have this huge crush on Enrique Gil, and Iam a fan of Marge Tejada so forgive me for including him in this story,anyways guys there 3 of them (anjo pertierra,rex intal andenrique gil) that will be marge's love interest, so let the best man wins he...