Kinabukasan maaga palang nasa Eliazo na si Rex, may dalang hot chocolate at special Tapsilog para kay Marge.
REX: Hi Jirah! gising naba si Marge?
JIRAH: Ah Oo andun sa dinning area nagpapatulong kila ate Ella mag prepare ng food niya, sige una na ako.
REX (sa sarili): Ano kayang problema nun? Tsk broken hearted din yata parang ako.
Pagpasok sa dinning area nakita niya si Marge na paika ika habang susunod sunod kay Ella.
REX: Oh!! Marge bakit lalakad lakad ka e nahihirapan kana nga?
ELLA: Pagalitan mo nga yan Rex, sabi na kasing ako nalang mag prepare ng food niya ang kulit!! Sarap pilayan ng tuluyan, nakakaloka.
MARGE: Ate Ella naman :(
REX: Tama naman si ate Ella, mamaya lalo pa mamaga yang tuhod mo, ito na may dala na akong hot chocolate at Tapsilog, madami ito share na kayo dito ni Ate Ella.
ELLA: Yan naman ang gusto ko sayo e, hay salamat naman!!
MARGE: Gumastos kapa talaga.
REX: Hey alam ko naman na mahihirapan ka mag prepare ng food e, tignan mo sa pakikialam mo tapon tapon ang trabaho ni ate Ella sayo.
ELLA: Ay oo nga pala, dapat lutuin ko yang egg with rice sayang e, wait ha tapusin ko lang.
REX: No ate Ella ako na tatapos, sabayan mo na si Marge kumain.
MARGE: Ehem..pakitang gilas tayo ah..
ELLA: Kilig ka naman Marge? yiiieee sarap mo sabunutan! haba ng hair nag rejoice ka? sayo na korona oh..hahahaha
MARGE: Korni mo te Ella hahaha
REX: Nagpapakitang gilas talaga ako, mahirap na, nasa akin na mamaya mapunta pa sa iba.
ELLA: Sus! ang taray ng statement na yun ha, sigurista.
REX: Hahahaha di rin, sa gwapo kong ito, di na titingin sa iba yan si Marge.
MARGE: Wuh.. lakas ng hangin te Ella noh?
ELLA: Ewan ko sa inyong dalawa, bilisan mo na kumain diyan para pagbaba ni Mae at Aerielle eh aalalayan ka nalang paakyat para makaligo kana, may pasok ka ngayon kaya.
MARGE: Ay oo nga pala, hehe I feel so loved :)
ELLA: Oo nga dami namin nagmamahal sayo,ikaw na talaga!
REX: Oo nga eh, dami namin nagmamahal sayo.....
MARGE: Ok na ate Ella na-text ko na sila Ate Mae, uhm Rex akyat na ako, kailangan pa mag prepare e.
REX: Ah oo paalis na din ako, text mo ako ha pag wala ka kasama, basta wala ako class puntahan kita.
MARGE: Oo na po, di na kailangan ipaalala pa, ikaw talaga aabalahin ko noh.
REX: Good :)
MAE: We are here na! Oh Rex layas na, i-aakyat na ang mahal na Reyna, hehe
REX: Sige na bye!! Oh ingatan niyo yang mahal ko ha.. bye!!
AERIELLE: Sobrang keso mo!! kabwisit na eh!
REX: Hahaha
MARGE'S POV:
Ewan ko ba kung bakit, pero parang ang sarcastic nang mga hirit ngayon ni Rex? Hay ano ba yan, di ko naman mapatulan, baka sabihin defensive ako masyado. Sana OA lang ako mag isip, sana di niya mini-mean mga sinabi niya.
MAE: Marge, tanong ko lang, alam ba ni Rex na dinalaw ka kagabi ni Anjo dito?
MARGE: Di ko na sinabi, total wala naman yun eh, tinignan lang naman kung ok ako tapos umalis na.
ELLA: Oo nga naman Mae, mamaya ano pa isipin ni Rex.
AERIELLE: Tyaka kaibigan padin naman ni Marge si Anjo, kaya ok lang yun.
MAE: Kungsabagay..
REX'S POV:
Hay naku, ano ba yung mga hirit ko kanina, parang tanga naman Rex oh!! tsk sana hindi napansin ni Marge, tsk kala ko ba ok na ako kagabi, na papalampasin ko nalang yung pagdalaw ni Anjo sa kanya, siyempre nga naman magkaibigan padin naman sila eh, tyaka may tiwala ako sa kanila pareho, dapat yun ang panghawakan ko, At sige na kahit hindi na sabihin sakin ni Marge na dumalaw nga sa kanya si Anjo, ok lang, baka nga naman di na ganun ka big deal yun,hay sana nga.

BINABASA MO ANG
for the love of margarita (marge tejada's love)
FanfictionI have this huge crush on Enrique Gil, and Iam a fan of Marge Tejada so forgive me for including him in this story,anyways guys there 3 of them (anjo pertierra,rex intal andenrique gil) that will be marge's love interest, so let the best man wins he...