Bitter truth

750 9 5
                                    

Kinagabihan...

AERIELLE: Jirahbelles tawagin mo na si Marge

ELLA: Oo nga dahil impossibleng magkusa yung bumaba dito at kumain.

ALYSSA: Pag nag inarte sabihin mo lagot siya sakin dahil absent siya kaninang training.

DENDEN: Best naman palampasin mo na muna love problem eh.

ALYSSA: Gaga!! siyempre panakot lang yun!!

JIRAH: Puro kayo kalokohan mga huklobs!! sige na tatawagin ko na..

Sa kwarto nila Marge..

JIRAH: Besh,  kain na tayo, andun na sila lahat sa dinning area.

MARGE: Wala akong gana..

JIRAH: Walang gana? Breakfast pa yung last meal mo, tyaka kakaiyak mo malamang dehydrated kana kaya tara na, kumain kana!!

MARGE: Besh naman!! Parang di mo naman alam eh!! (tumayo)

JIRAH: Hep!! don't tell mag papapadyak ka na parang bata? o kaya tatakbo ka nanaman sa  CR para mag teleserye effect?

MARGE: Kainis ka!!  (umupo uli  sa kama)

JIRAH: Tsk!! ang usapan namin ng team is to leave you alone, pero ayan lalo ka naman yatang mababaliw pag pinabayaan ka lang.

MARGE: Mali ba ako?

JIRAH: Saan?

MARGE: Sa lahat ng desisyon ko tungkol sa amin ni Rex!

JIRAH: May mali ka, pero hindi sa lahat, tyaka Besh alam ko naman na di mo sinasadyang masaktan si Rex. Naging Honest ka naman eh,  yun nga lang medyo  delayed yung pagiging honesta mo kaya nasaktan yung kapre.

MARGE: Tanga ko noh? Ang simpleng bagay ng pakikipag relasyon di ko pa nagawa.

JIRAH: Hay.. blaming yourself now is not an option, just go to him pag  medyo ok na, then say  sorry.

MARGE: Paano kung  hilingin niya uli na sagutin  ko siya? 

JIRAH: Ayaw mo paba? Oh mahal mo pa nga si Anjo kaya ang tagal na ng pinaghihintay ni Rex?

MARGE: Actually tuwing kasama ko si Rex, hindi ko na naiisip si Anjo, para akong nabuhay ulit, alam mo yun? Sabi ko pa nga before Valentines day sasagutin ko na  siya.

JIRAH: And then? anong nangyari? Malapit na Valentines oh?

MARGE: And  then nangyari yung injury, dumalaw dito si Anjo, kala ko ng gabing yun  nanibago lang ako uli kaya ganun naramdaman ko, biruin mo after ilang buwan nagkita at nag usap uli kami, so hindi ko sinabi kay Rex  kasi nga feeling ko nanibago lang ako, tapos nung araw na nakita ako ni Anjo na hirap na hirap dahil sa knee injury, grabe alam mo yun Besh? Hindi lang Relief ang naramdaman ko, sobrang saya ko na siya yung  nakita ko sa oras na awang awa ako sa sarili ko na feeling ko ok na ako basta andun  lang siya, na kahit pwede ako tumanggi na i-piggy back niya ako, kasi baka may makakita na kakilala namin ni Rex? hindi Besh wala akong pakialam nun, ang gusto ko lang tumagal yung moment na  yun.

JIRAH: Besh kung ganun pala bakit pinatagal mo pa? Sana sinabi mo nalang kaagad kay Rex na si Anjo parin talaga, tignan mo matagal na palang nagseselos yung tao. Kung sinabi mo kaagad edi sana kahit  magselos siya hindi siya bitter.

MARGE: Ewan ko ba, ang sama ko, pag kasama ko si  Rex, pakiramdam  ko ang saya saya ko, na minsan natatakot na ako na baka pag sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Anjo bigla nalang siyang mawala.

JIRAH: Oh e ano ngayon plano mo?

MARGE: Kakausapin ko si Rex pag Ok na siya.

JIRAH: Sasagutin mo?

MARGE: Hindi ko alam,  hindi ko alam talaga, ang gulo gulo na.

JIRAH: Hay besh,  you are torn between two man, yung isa nagpapaubaya pero di maiwasang lumapit parin sayo, yung isa naman nagmamahal at ayaw ng magbulagbulagan. yung isa unintentionally sending you the message na you two will always be the best for each other. yung    isa pinipilit na labanan kung ano yung matagal ng tapos.yung isa nagpaubaya para sa pagkakaibigan, yung isa nag risk ng friendship hindi lang kay Anjo kundi pati sayo. Besh medyo unfair kay Rex, pero  mas nakakatakot na baka isang araw magising kana lang na wala na sila pareho sayo kaya Besh pag isipan mong mabuti. Anjo might do the right thing and let you and Rex be together, Rex might gave you up  to have a clear mind and be happy. Ikaw ang luhaan sa bandang huli.

MARGE: Anong gagawin ko?

JIRAH: Pag-isipan mong mabuti, wag ura urada, pero dapat handa ka sa  mga mangyayari.

MARGE: Nakakainis talaga!! Ang complicated ng buhay ko!!

JIRAH: Ay!! dramatic actress!! 

JIA: Hoy!!! kanina pa umuusok ang ilong ng  mga  huklobs di pa kayo bumababa!! Marge pag di ka daw kumain sabi ni ate Aly wag na wag kana magpapakita sa training at games kahit kailan!!

MARGE: Ay ang OA naman, ito na nga oh bababa na.

JIA (lumapit kay Marge at niyakap): Concern lang kami sayo ha di seryoso yun...

MARGE: Thank you. haha alam na alam ko na mga ganyang style  niyo :)

JIRAH: Pero seryoso kain na tayo, nagutom ako sa pag analize ng mga nangyayari. hahaha

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon