You were there

747 8 2
                                    

MARGE'S POV:

"Rex, wala na ako class, ikaw ba? uhm kung wala na andito ako auditing building 402" sending to Rex..sent..

Siguro may extention class yun, kanina pa yung text ko eh 30 minutes na, kungsabagay kaya ko naman siguro na walang alalay ngayon, hawak nalang muna ako sa wall for support, makaalis na nga, baka  mamaya may next class pala dito nakakahiya pa. Ayan palabas na ako hay ang hirap naman nito, kainis talaga, dapat pala hiniram ko nalang yung cane ni Anna,  tsk.

HABANG NAGLALAKAD SI MARGE NASALUBONG NIYA SI ANJO NA MUKHANG NAGULAT, AT NATARANTANG NAPALAPIT SA KANYA AT INALALAYAN SIYA.

ANJO: Oh Marge, bakit wala kang kasama? o kahit cane man lang?

MARGE: Uhhmm thank you, ahhh ang sakit na nga ng tuhod ko e papagalitan mo pa ako.

ANJO: Hindi naman, mukha ka kasing kawawa eh, ayan di talaga matatanggal sakit niyan pag ganyang wala ka man lang cane for support.

MARGE: Eh may knee support naman ako, tyaka kala ko kasi hindi na masyadong sasakit kanina e, kaya di ko na hiniram yung cane ni Anna.

ANJO: Ayan tayo sa puro akala eh, kala natin ok na pero hindi pa pala, tsk, ihahatid na kita sa Eliazo, ok lang ba?

MARGE: Uhmm ok lang..kung ok din lang sayo? ang hirap kasi talaga eh..

ANJO: Uhmmm gusto mo i-piggy back nalang kita?

MARGE: Ang bigat ko kaya, tyaka nakakahiya naman.

ANJO: Alam ko na mabigat ka, tyaka mahihirapan ka kasi pag akbay lang, tignan mo naman laki laki ko oh...sige na walang malisiya 'to :)

MARGE: Okay.. sabi mo eh..

AT NAKAABA NA NGA SI MARGE KAY ANJO AT LUMAKAD NA SILA PAPUNTANG ELIAZO

ANJO: Na miss ko'to, wait walang malisiya yun ha, wala lang na-miss ko lang talaga.

MARGE: Sus ok lang, haha kahit dati reklamo ka ng reklamo dahil ang bigat bigat ko? 

ANJO: Oo nga dati nagtataka talaga ako san nanggagaling yung bigat mo e ang payat mo naman, haha

MARGE: Lol, sexy ako hindi payat, magkaiba yun, naalala ko nun, laging pawis na pawis ka pag binababa mo ako.

ANJO: Tapos sa una mo lang pinupunasan pawis ko, kasi nakakatulog ka kaagad sa likod ko.

MARGE: Hahaha hirap na hirap ka eh noh..hahhahaha

ANG  DI NILA ALAM NAKIKITA SILA NI REX, NA DAPAT SANA AY PAPUNTA NA KAY MARGE NUNG NAG TEXT ITO.

REX'S POV:

Hayop ka Anjo!! Ang saya saya niyo pa, bantay salakay ka din eh.

PAGDATING NILA MARGE AT ANJO SA ELIAZO, NASALUBONG NILA SI JOANA NA MUKHANG GULAT NA GULAT.

ANJO: Oh Jho, mukha kang nakakita ng aparisyon ah!!

JHO: Anong meron? bakit kayong dalawa magkasama?

MARGE: Nakita niya lang ako kanina, wala kasi ako kasama, e 4th floor pa ako galing, sobrang sakit na ng tuhod ko.

ANJO:  Kawawa e, alangan namang pabayaan ko, nga pala alis na ako, traffic pa pauwi eh, sige Jho, Marge.

MARGE: Anjo, tnx ha, ingat.

ANJO; No problem, sige na bye...

PAGKAALIS NI ANJO

JHO: Hoy Marge ano yun ha?

MARGE: Jho, alam ko iniisip mo, pero sa totoo lang kung may choice ako kanina di naman mangyayari yun eh.

JHO: E nasan ba si Rex? dapat siya naghatid sayo ah.

MARGE: Di ko din alam e, I texted him naman, 30 minutes nga ako naghintay e.

JHO: Hay naku yung lalaking yun talaga, tsk!

MARGE: Pero alam mo, ok na din ito eh, atleast ok na uli kami ni Anjo, di na kami awkward, alam mo yun, we are friends now.

JHO: Uhm hanggang diyan nalang yan si Anjo ha, alam mo naman.

MARGE: Ano kaba, siyempre naman, di ko naman gagawin kay Rex yang iniisip mo eh.

JHO: Hmm may himig tampo kapa diyan, nagpapaalala lang ako friend, alam mo namang love kita eh, siyempre papaalalahanan kita.

MARGE:  Thanks Jho :)  love you too chika!!

JHO: O tama na kadiri na'to, lika hatid na kita sa taas, wala ang mga damulag kaya pagtiisan mo  muna ako ha.

MARGE: Ano pa nga ba? hehe

for the love of margarita (marge tejada's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon