ENRIQUE's POV:
Matatapos na yung dinner/contract signing pero hindi parin niya ako kinakausap uli, kungsabagay ako din naman di ko siya makausap uli mula ng nangyari kanina sa sasakyan, hay mali ba ako ng diskarte? Mali nga siguro, kasi masyado nga yatang maaga para magparamdam ako ng ganun sa kanya, sino ba namang matinong babae ang sasakay sa ginawa ko kanina, dalawang araw palang ng maging ok kami tapos babanatan ko kaagad ng ganun, hay ano na kaya iniisip niya sa akin? Bakit kasi hindi nalang siya nagsalita kanina?
Samantala sa tabi niya nakaupo si Marge, kasama nila sa lamesa ang buong team ng The Inspired project pati narin si Gretchen at Robi na lihim na nagtataka sa hindi nila halos pagpapansinan.
MARGE'S POV:
Hay ang awkward na yata namin, hala naman kasi bakit naman kasi hindi ako nakapagsalita kanina? At bakit ba naman kasi sinabi niya yun? May pa SPECIAL SPECIAL pa kasing nalalaman eh! ayan tuloy tulaley ako kanina. Jusko ganito pala pakiramdam ng speechless? Hay ano na? waley na kaya? Wag naman sana.
ROBI: (habang kumakain) Uhm after nito bro may lakad kapa ba?
ENRIQUE: Wala naman bro, bakit?
ROBI: So ikaw na rin maghahatid kay Marge pauwi? Ikaw naman sumundo diba?
ENRIQUE: Uhm siya bahala bro, kung ok lang sa kanya (sabay tingin kay Marge)
MARGE: Ah eh..kung napagod kana at baka di kana makadaan sa Ateneo, Ok lang, magta taxi nalang ako pauwi.
GRETCH: Ihatid ka nalang namin ni Robi, Marge, di ka pwedeng mag taxi mag isa delikado.
MARGE: Hindi ok lang ate Gretch mapapalayo pa kayo eh..
ROBI: Eh hindi ka naman namin pwedeng pabayaan mag isa umuwi, delikado nga, lagot kami pag pinabayaan ka namin.
MARGE: Ehh kasi mapapalayo na nga---
ENRIQUE: No ako na maghahatid sayo, ako naman sumundo sayo eh..
GRETCHEN: Sure ka? Baka nga masyado ka ng mapagod..
ENRIQUE: Hindi naman, tyaka ako kasi ang alam ng teamates niyo na kasama ni Marge, nakakahiya naman kung di ko tutuparin yung sinabi ko kanina na ako din ang maghahatid sa kanya pauwi.
ROBI: So it's settled then?
MARLON: So ano? Uwi na tayo? I think may morning class ka bukas diba Marge?
MARGE: Ah opo kuya Marlon.
ENRIQUE: Sige tara na..
ROBI: Ok lets go!!
Nauna ng nakaalis ang sasakyan nila gretchen at Robi at pasakay na rin ng sasakyan si Enrique, pero mukhang nag hesitae si Marge.
ENRIQUE: (Opens the door for Marge na mukhang ayaw sumakay) Marge come on, gabi na.
MARGE: Quen kung napipilitan kalang ok lang naman talaga akong mag taxi eh.
ENRIQUE: Hindi ako napipilitan Marge, ikaw nga yata ang napipilitan eh.
MARGE: No, what made you think that?
ENRIQUE: (halos pabulong) Eh kanina mo pa ako hindi pinapansin eh
MARGE: Ako? ikaw kaya diyan hindi namamansin.
BINABASA MO ANG
for the love of margarita (marge tejada's love)
FanfictionI have this huge crush on Enrique Gil, and Iam a fan of Marge Tejada so forgive me for including him in this story,anyways guys there 3 of them (anjo pertierra,rex intal andenrique gil) that will be marge's love interest, so let the best man wins he...