Sophia's POV
Ako nga pala si Sophia Sanchez. Tawagin niyo na lang akong Sophia. Katatapos lang ng bakasyon namin kaya ito na naman, pasukan ulit. Ngayong taon, isa na akong high school student. Isa na akong first year high school student.
Bagong lipat ako sa Hilton. Dahil bagong salta ako dito sa school na 'to, wala akong kaalam alam kung anong meron dito. Mas malaki siya kumpara sa dati kong school. May college na rin kasi dito pero siyempre, separate buildings. Dati, nag-aaral lang ako sa isang public school. Reason? Di ko alam pero I'm sure hindi financial problem. Nagpapatakbo kasi si Daddy food business. Hmm, hindi naman sobrang laking business pero kilala sa bansa. Feeling ko ang reason kasi gusto nila na magkaroon ako ng experience mag-aral sa isang public school. Buong elementary ko, nag-aral ako sa public school. Nung grade 6, nagkaroon kaming deal ng Daddy & Mommy ko. Kapag nareach ko ang top 1 sa overall, lilipat ako sa kahit anong school na gusto ko. That time, nalaman ko na about sa Hilton at marami akong narinig na good feedbacks kaya naisipan kong doon ako lumipat pag nagawa ko yung deal and boom! After so much effort, naachieve ko yung top na yun at nalipat sa school na 'to.
Info about sa akin? Hmm, sa totoo lang, hindi ako mahilig mag-ayos. Ponytail lang ako lagi kasi ayoko ng hair na sabog sa mukha ko. Hindi rin ako nag-susuot ng kahit anong accessories. Tapos naka eye glasses pa ako. Bookworm kasi ako kaya ayun, lumabo ang mata ko. Never rin akong nagkaroon ng boyfriend. Walang nagtangkang manligaw e. Nga naman, sino naman ang magtatangkang manligaw kung ganito mag-ayos ang magiging girlfriend nila. Siyempre wala. Tsaka, alam niyo namang strict ang parents ko lalong lalo na si Daddy. Pero siyempre, kahit papaano nagkacrush na ako. Secret lang ha! Yung kababata ko. Kaso di ko na maalala yung pangalan pati na din yung mukha. Oo na, ako na ang nagkacrush ng nakalimutan ko ang mukha. Matagal na kasi since last na nagkita kami. Gwapo ba? Naman. Marunong akong tumingin ng gwapo tsaka hindi. Kahit ganito ako, masayahin tsaka medyo palabiro ako. Hindi naman grabe, pero kahit papaano marunong akong makisama sa tao. Nga pala, my mom's name is Sonia while ang Daddy ko naman ay Philip. Mayroon rin akong older sister na ang name niya ay Shiena. She's 20 and a certified fashionista. Isa rin siyang model kaya sikat ang sister ko.
Kapapasok ko pa lang sa school nang bigla akong may nakitang nilalang na sobrang gwapo. Marami siyang kasamang lalaki. May mga itsura din pero walang makakatalo sa kanya no. Ehem. Kitang-kita sa lahat ng babae na titig na titig sila taong iyon. Ako rin naman e. Napatitig. Kung kayo nasa pwesto ko, magaganito din kayo. Hohoho. Feeling ko tuloy na-love at first sight ako. Joke pero aaminin ko, grabeeee ang pagkapogi niya. Sa sobrang pagkatitig sa kanya, ayun bumangga ako sa pader. Ayan tuloy, pahiya ako kaagad, ikaw ba naman nabangga ka na sa pader, natumba ka pa. Kung mamalas malasin ka nga naman o. Maya-maya, bigla siyang lumapit sa akin.
"Miss, okay ka lang po ba?" si gwapong nilalang pala
Grabe lang ha. Mukha ba akong okay? Matapos akong mabangga sa pader at matumba, okay pa ako? Tanong nga naman ni kuyang gwapo e no. Di bale na, gwapo naman e. Hahaha.
"Ay, okay lang ako." Hindi ako tumitingin sa kanya habang sumagot ako. Nahihiya kasi ako e no. Ang pangit ng first meeting namin e.
"Sure ka? Para kasing di ka okay. Di ka pa kasi tumatayo diyan e." sagot niya
Ay, baka gusto mo akong itayo? Joke joke. Siyempre, tumayo na ako since okay lang naman talaga ako. Pinagpag ko na rin yung palda ko kasi nga natumba ako kaya malamang may alikabok yun. Maglalakad na sana ako palayo kasi hiyang hiya na ako. Halos lahat ba naman nakatingin sa direksyon namin nang bigla ulit siyang nagsalita.
"Ah miss! Wait lang" sabi ni gwapong nilalang
Humarap ako sa kanya. "Bakit?"
"Charles Parker nga pala" Biglang lahad ng kamay ng gwapong nilalang.
BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Teen FictionAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...