Chapter 5

22.9K 134 7
                                    

Sophia’s POV

 

Ngayon, nakatayo ako sa harap ng isang tindahan ng prutas. Bumili ako ng isang basket ng prutas. Dapat flowers ang bibilhin ko kaso naisip kong mas maganda kung ang ibibigay ko ay makakain atleast mabubusog yung kakain. Buti na lang di ko pa iniiwan yung ipon kong baon kaya nakabili ako. Oo, naisip kong pumunta sa ospital kung saan nandun si Charles pero I won’t show my face. Iiiwan ko lang ‘tong pagkain pag tulog siya. Mas okay na yun. Pagkatapos kong bumili, nilakad ko na papuntang Watty Medical Center. Malapit lang naman kaya okay lang lakarin. Bago man ako pumunta dito, nagpaalam  na ako sa parents ko. Pinayagan nila ako since alam naman nilang valid yung reason ko. Pumunta muna ako sa parang counter para itanong kung anong room ni Charles.

“Miss, ano pong room ni Charles. Charles Parker po.” Ako

“Uhhm, room 302 po.” nurse

“Thank you po.” Ako

Sumakay na ako ng elevator para mas mabilis. Nang makarating na ako ng floor na yun, hinanap ko yung room niya. Nasa tapat na ako ng pintuan nang magdalawang isip ako. Iwan ko na lang kaya dito sa harap ng pintuan? Baka naman hindi mapansin, matapakan o kaya may matalisod, ako pa masisi. Nahihiya kasi talaga akong pumasok e. Palakad lakad lang ako at finally! Nakapagdecide na ako. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at sinilip kung gising siya. Hmm, nakapikit ang mata niya tapos parang ang himbing ng tulog niya. Tama Tulog ‘to! Pumasok na ako pero siyempre, nag-iingat ako na hindi gumawa ng kahit anong ingay baka kasi magising ‘to bigla. Nilapag ko na yung basket dun sa tabi niyang table. Kitang-kita sa room na maraming dumaan na bisita dahil halos mapuno na nang bulaklak, prutas at kung ano ano pa yung room niya e. Siguro napagod ‘to kakaentertain sa mga bisita. Kawawa naman. Tiningnan ko siya.

“Gwapo ka pa rin Charles kahit may sakit. Ang cute mo naman pag tulog. Hays, kailan mo kaya ako mapapatawad?” ako

Pabulong ko lang yun ginawa at tumalikod. Maglalakad na sana ako palabas nang bigla niyang hawakan yung kamay ko. IBIG SABIHIN KANINA PA ‘TO GISING AT MALAMANG NARINIG NIYA YUNG SINABI KO. Magpapalamon na ba ako sa lupa? KYAAH. Ba’t ba fail ako lagi?

“Aalis ka na lang ba agad nang hindi nagpapaalam?” Charles

“Ah. Ka-kasi baka g-galit ka pa sa akin kaya iniwan ko na lang ‘to habang tulog ka ka-kaso gising ka naman pala. Ah sige una na ako.” Ako

“Nga pala, tinatanggap ko na sorry mo. Alam kong alam mo na na mahalaga ang taong iyon sa akin kaya sana wag mo nang gawan pa ng kwento.” Charles

“Sorry, di ko na talaga uulitin yun. Tska thank you kasi napatawad mo na ako.” Ako

“May nakalimutan pa pala ako. Ulitin mo nga yung pagpuri mo sa akin kanina? Haha” Charles

Sabi na nga ba e! Huhu. Ba’t ba lagi na lang akong napapahiya?

“H-ha? May sinabi ba ako? Kanina?” ako

Nag-mamaang-maangan lang po. Ayokong umamin, mapapahiya ako lalo e.

“Aminin mo na kasi. Rinig na rinig ko e. Pinapaulit ko lang naman sayo. Haha.” Charles

“Wala talaga. Nagkasakit ka lang kung ano ano na naririnig mo.” Ako

“Ginawa mo pa akong bingi. Sabi mo pa nga gwapo ka pa rin Charles kahit may sakit. Ang cute mo naman pag tulog. Kailan mo kaya ako mapapatawad? Pinapaulit ko lang sayo yun e. Haha.” Charles

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon