Chapter 19

17.9K 273 291
                                    

Sophia’s POV

English time namin ngayon at currently nag-didisccuss kami tungkol kay Shakespeare. Medyo bored na nga ako dahil hindi ako fan ng literature. Actually, nakatingin lang ako kay Miss tapos tatango tapos after nun, lalabas na sa kabilang tenga ko yung narinig ko sa kanya. Promise, ang boring talaga. Feeling ko onti na lang, makakatulog na ako. Lumipas ang isang oras at may thirty minutes pa kami. Nagkaroon kami ng short seatwork tapos may stinart si Miss na topic. Project ata?

“Okay students. For your project, I want you to make a presentation. Atleast  for 5 minutes?” Sabi ni Miss

“Miss, about saan po?” Tanong ng classmate ko

“Choose one story of Shakespeare and be ready to present it in front by doing a skit or any kind of presentation.” Sagot naman ni Miss

“Another thing, this will be by group. 8 members per group. Feel free to choose your groupmates.” Dagdag ni Miss

Naghiyawan naman ng “yes” yung mga kaklase ko. Siyempre, pabor kaming lahat dun no. Siyempre, alam na. Dinicuss ka na rin ni Miss yung mga kailangan naming pagtuunan ng pansin pati na rin yung criteria for judging. Bukas naman daw yung meeting with groupmates kasi saktong after sabihin ni Miss yung criteria for judging, nagbell na which means, lunch na namin.

Bumaba na kami at dumiretso sa canteen. Pumila na kami para bumili ng pagkain tapos naghanap ng vacant table.

“Bes, may kagrupo ka na?” Tanong sa akin ni Jessica sabay upo namin sa nakita naming vacant seat

“Wala pa. Tayo na lang kaya magkagrupo.” Sabi ko sabay subo ng baked mac na binili ko

“Yay. Sige. Isama natin sila Charles.” Sabi niya

“Eh, wala pa ba silang kagrupo?” Tanong ko

Malay natin meron na diba?

“Wala pa kaming kagrupo.” Sagot ni Charles

Muntik na ako, mabilaukan nung narinig ko boses niya.

“*cough* *cough* tu- *cough* -big  *cough*”

Inabot ni Jessica yung bottled water ko tapos si Charles naman pinat yung likod ko.

“Okay ka na Iya/Okay ka na Sophia?” sabay na tanong ni Nathan

“*cough* Medyo. Kasi naman kayo, bigla biglang susulpot.” Sabi ko

“Sorry naman.” Sagot ni Charles

Tiningnan ko sila. Hmm, parang kulang a?

“Nasaan si Eric pati Raimond?” Tanong ni Jessica

Napansin din ni Jessica yun. Himala kasi at hindi nila kasama.

“They have to clean our classroom as their punishment.” Sabi ni Jarred

“Ah. Buti nga.” Sagot naman ni Jessica

“Weh? Miss mo lang e.” Sabi naman ni Charles

“Miss ka diyan? Over my dead body.” Sagot ni Jessica sabay irap

Di ko talaga alam kung gusto ni Jessica si Eric. Feeling ko hindi e pero siguro soon naman diba? Bagay naman sila e. <3

“Nga pala, sama kami sa grupo niyo.” Biglang pag-iiba ng topic ni Nathan

“Sure Kuya.” Sagot ko

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon