HAPPY 400K READS! :*
A/N: Mahaba ‘tong chapter na ‘to kasi may shifting ng characters’ POV. Hoho. :)
Sophia’s POV
New day. Finally. Natapos na rin yung kagabi. Hindi ko alam pero alam kong iba ang pakiramdam ko e. After ko kaagad kumanta, bumaba na ako ng stage tapos tumakbo na palabas ng lugar. Sumakit kasi yung ulo ko, grabe. Basta hindi ko maexplain tapos dumiretso na ako sa sasakyan namin ni Ate Shiena. Basta, habang sumasakit ulo ko, may unclear na vision ang lumalabas sa utak ko. Basta there are two kids, babae at lalaki na hindi ko mamukhaan. Paulit ulit lang naririnig ko na sinasabi nung babae...
“I hate you!”
Nung nakapasok na ako sa loob, biglang nagsalita si Manong driver.
“Ma’am, okay lang po kayo? Umiiyak po kayo.” Driver
Binuka ko mata ko tapos hinawakan pisngi ko. Oo nga, basa na nga ng luha. Pinagpawisan rin ako ng malamig. Kukunin ko na sana yung panyo sa bag ko kaso wala dun. Baka nahulog ko yun somewhere. Di ko alam kung anong vision yun. Hindi ko alam...
Sabi ko nga kanina, new day na ngayon. At ngayong umaga ko lang naalala na may party pa pala mamaya. Kasasabi ko lang dati na hindi ako mahilig sa party e. Bakit ngayon punong puno ng party ‘tong buhay ko? Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Ako lang mag-isa ngayon. Wala kasi parents ko kasi nasa work at Ate ko naman, for sure may photo shoot na naman. Hindi ko na nga alam gagawin ko e. Wala pa nga akong damit para sa ngayong event. Kung wag na kaya ako tumuloy? Nakakahiya naman sa mga taong napangakuan ko. After ko kumain, naligo ako at kung ano ano pa. Nag-open na ako ng computer para ichat si Jessica.
Sophia: Bes!
Jessica: Oh bes, bakit?
Sophia: Wala pa akong damit para mamaya. :’(
Jessica: Nye? Paano yan? Hindi ako pwede lumabas ngayon para bumili ng damit.
Sophia: May extra ka? Kahit used na, di naman ako choosy. :)
Jessica: Wala akong extra Bes e.
Sophia: Ah ganun ba, sige, thank you!
Jessica: Sorry ha?
Sophia: Okay lang. :)
After nun, nag-off na din ako. Siya lang naman mahihiraman ko e. Nahiga na lang ako ng kama tapos nanuod ng tv. Wala akong maisip na paraan e. Pahinga muna. Di ko na lang namalayan... zZzZzzZ
Nagising ako, 4 o’clock na! Hala! Wala pa akong nahahanap na damit. Bumaba ako at sakto nakita ko si Ate Shiena.
“Ate Shiena! Heeelp.” Sigaw ko
“Bakit Sophia? Anong nangyari?” Ate Shiena na parang natataranta
“Kasi mamaya, wala po akong susuotin e. Di ako nakabili kasi di ko maaasahan taste ko.” Ako
“Loka loka. Akala ko kung ano na. Anong oras ba yung event?” Ate Shiena
“6pm po.” Ako
“Halika sa kwarto ko. Tingnan natin kung may babagay na damit sayo. Irepair na lang natin pag maluwag.” Ate Shiena
Ang tagal naming naghanap sa closet niya. May mga triny ako, kaso hindi naman bagay sa akin kasi medyo di na bagay sa age ko yung damit. Alam niyo naman ang age difference namin diba? Umabot na kami ng kalahating oras pero lumabas siya sa walk-in closet niya ng empty handed. Sabi na nga ba, hindi talaga ako makakapunta sa party e. Di bale na, di naman ako mahilig sa ganun e. Pero ba’t ganun? Parang nalulungkot ako? Ugh. Ewan ko.
BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Teen FictionAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...