Chapter 11

20.4K 171 70
                                        

Note: May maiksi akong author’s note sa baba, please read it. I need your help guys.

Tumabi siya sa amin at kitang kita sa mukha niya ang nakakaloko niyang ngiti. Yan ang kinakatakot ko e, marinig nung iba. T.T 

“Yiie, I knew it. May something sa inyo ni Ch—“

Tinakpan ko kasi bibig niya, ang lakas ba naman magsalita, halos pasigaw na.

“Uy wag mo isigaw.” Ako

“Okay okay okay. Pero wait, totoo ba talaga yun?”

“Oo naman girl.” Sabi ni Jessica

“Kyaaah. Finally! Magkakalovelife na din si pinsan.” Sabi ni Chalice na kitang kita sa mukha niya ang saya.

Yes, si Chalice lang naman na pinsan ni Charles ang nakarinig sa usapan namin ni Jessica.

“Uy, wag mo sasabihin sa iba ha?” Ako

“Oo, hindi ko sasabihin sa iba.” Sabi ni Chalice pero nakasmile pa din

Mas masaya pa ata ‘to kaysa sa akin o. -_-

“Anong hindi dapat sabihin?”

I’M DOOMED. Pagtingin ko sa side ko, nakita ko si Charles. Wala siyang narinig diba? Diba?

“Ayyy, Ayy. Wala yun. Girl talk. Tama. Girl talk.” Sabi ko habang iniiwasang hindi niya mahalata na may tinatago ako. Sorry, hindi ako magaling magsinungaling e.

“Girl talk na boy talk.” Sabi ni Jessica

Kitang kita sa mukha ni Charles na hindi niya nagets ang pinararating ni Jessica. Grabe, slow din pala ‘to. hohoho

“May sikreto ba kayo?” Sambit ni Charles na parang nakakunot na ang noo

“Wala wala. Hehe.” Ako

“Shupi na kababata. Mag-uusap pa kami.” Sabi ni Jessica na naghand gestures pa na pinaaalis si Charles 

“Sige.” Sabay alis ni Charles

Phew. Alam niyo yung feeling na muntik na kayong mabunyag sa taong pinag-uusapan niyo? Grabe lang kaba ko, sa totoo lang. Pero thank you na rin sa kanya, nakinig siya sa akin na wag sabihin kay Charles yung sikreto ko kahit na alam ko nung kinausap kami kanina ni Charles e alam niyang may tinatago kami. Halata naman e. Pero atleast, hindi niya alam yung tinatago talaga namin.

Natapos na ang party ng mga 9pm. Lagot! Never pa ako umuwi ng ganito kalate kasi alam kong magagalit sa akin si Daddy & Mommy. Siguro sa kanila na lang ako magpapasundo. After ko kasing umalis, nagpaalam driver ko na may emergency siya kasi yung anak niya nasa ospital. Tinawagan ko na both parents ko pero di nila sinasagot yung phone. Ay, oo nga pala. Mayroong meeting si Daddy. Malamang late na uuwi yun. Si Mommy naman may pinuntahang importante. Gagabihin din daw. Si Ate, tinawagan ko kasi akala ko pwede siya kaso nagkaroon ng biglaang photoshoot. Nako. Mag-isa lang ako uuwi. Hindi pa naman ako sanay magcommute pag ganito na kagabi. Nakakatakot no. Tapos ganito yung suot ko. Marami na ang nakauwi tapos onti na lang kaming natira. Pano na ako uuwi? Si Jessica, napaaga ang uwi kasi may party pa daw siyang aattendan kasama ang family. Siya lang naman ang best friend ko dito. Si Chalice? Dito nakatira yun e. Nakisabay na lang ako sa paglabas nung mga kaklase ko para kunwari pauwi na rin ako kaso may tumawag sa akin.

“Sophia, nakita mo si Jessica”

Sino pa ba ang maghahanap sa bestfriend ko diba? Alam niyo na kung sino yun. 

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon