Chapter 12 Part 1

20.9K 187 54
                                    

A/N: Dalawang parts ulit ‘tong Chapter na ‘to. :D

Sophia’s POV

First day ngayon nang paghahanda para sa Nutrition Month. We’re given 4 days para gawin lahat yun at take note, walang classes! Malamang, normal na estudyante ako kaya masaya ako pag walang klase at puro ganito lang ang ginagawa. Kayo rin diba? Hehe. Nagkaroon muna kami ng short meeting with our adviser and start na kami ng gagawin namin. Kanya-kanya na kaming pwesto. 2 groups ang sumali para sa poster-making. Per group, 2 members. Isang group na dun ay si Jessica at siyempre, kasama niya si Eric. Di ko rin maintindihan si Jessica e. Minsan pinagkakamalan kong may gusto na rin ‘tong si Jessica e. Pero kahit anong gawin, halata talaga si Eric e. Bahala na sila. Sa iba pang activities, kanya kanya na. I mean, isa-isa, wala nang groupings. Si Charles kasama sa essay writing pati na rin sa poem writing. Ehhh, matalino yang crush ko e. Ano pa bang ieexpect? Magkaiba naman yung sched nung paggawa nun kaya okay lang salihan parehas. Yung si Jarred naman sumali sa slogan-making. English speaking yan e, madaling makakabuo ng matinong slogan yan. Si Nathan & Raimond naman, ayun, kasama ko. Wala silang sinalihan e. Matalino naman si Nathan, hindi ko lang magets ba’t mas pinili niya pa ‘to. Halos lahat, puro paggawa ng idea ang ginagawa pa lang since first day. For short, brain storming muna.  Sa totoo lang, nakakapagod mag-isip ng pwedeng ilagay sa bulletin. May mga naisip na kami pero kulang pa.

Maraming oras na ang natapos at nakapagdecide na kami ng gagawin. Nag-ambagan na rin kami ng pera since pare-parehas naman na kaming may dalang baong extra money. Nagprisinta na ako na ang bibili mamaya. Lunch na ngayon at pagod na pagod kaming lahat sa kaiisip ng gagawin para sa room. Halos 10 minutes na ata akong nakaupo sa free seat na meron sa canteen. Kasama ko ngayon si Raimond at Nathan. Sila Jessica pati yung ibang kasamahan nila Raimond, tatapusin muna yung gagawin nila, bago sila maglunch.

“Di pa tayo kakain?” Tanong na lang bigla ni Raimond na katabi ko lang sa upuan

“Kain na tayo. Halika na.” Yaya ko sa kanila para naman tumayo na

“Sige, pila na tayo.” Sabi ni Nathan

Nakakapanibago talaga ‘to e. Nagsasalita na madalas. Kanina nga, siya na yung nag-ala-leader sa amin e. Akalain mo, ang daming nacontribute. Haha. Anyways, nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin, nagsidatingan na si Jessica kasama sila Charles. Bumili muna sila ng pagkain tsaka dumiretso dito.

“Oh, ba’t ang tagal niyo?” Bungad agad ni Raimond sa kanila

“Katatapos pa lang namin mag-isip pre.” Biglang sagot ni Eric

“Wow ha. Eh sa buong gagawin natin, wala ka ngang nacontribute.” Sagot naman ni Jessica

Haha. Ito na naman sila. Nag-aaway.

“Grabe naman. May nacontribute ako! Magdrawing ng gulay. O atleast may nacontribute!” Sagot ni Eric

Natawa naman kaming lahat.

“Oy bakit kayo tumatawa?” Halatang nagtataka si Eric

“Pre, di na kasi mawawala yung gulay sa poster making sa nutrition month. Haha. Halos wala ka ngang natulong. Haha” Sagot ni Charles habang tumatawa

“Dude, do you think this slogan is better than the other one?” Out of the blue na tanong ni Jarred kay Charles

“Oo pare.” Sagot ni Charles

Tiningnan ko yung papel na hawak ni Jarred at wow! Ang dami na niyang nagawa.

“Hala Jarred! Ang dami mo nang nagawa a.” Sabi ko sa kanya

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon