Sophia’s POV
(a/n: namiss niyo ba POV niya? Hihi)
Naka-uwi na ako ng bahay. At sakto, nasa gate na si Daddy. Isa lang ang ibig sabihin niyan, grounded ako. Hindi naman ‘to yung first time na magrogrounded ako sa mga gadgets o kahit anong bagay. Siyempre naman dati, nabeat ko yung curfew hours ko kasi naggroup study kaming magkakaklase nung grade 6. Curfew hours ko lang naman ay hanggang 6 dati, tapos ngayon 7. Kaso ngayon, dumating ako ng bahay 8 kasi hinatid ko pa si Jessica. No gadgets for a week. Nasa labas pa lang ako, sinurrender ko na yung phone ko kasi di rin ako padadaanin ni Daddy ng gate nang hindi niya nakukuha phone ko. Sabi sa inyo e, strict parents ko pero super strict si Daddy. Sumabay na si Daddy sa pagpasok ko ng main door ng bahay namin at umupo sa sofa.
“I think you forgot your curfew hours my dear Sophia.” Daddy
“Ah Daddy, may binisita lang po akong kaibigan sa ospital. Naconfine po kasi. Nagpaalam naman po ako kay Mommy. Baka po di lang nasabi sa inyo.” Ako
Siyempre naman, ipagtatanggol ko yung sarili ko since alam ko namang nagpaalam ako. Si Mommy rin minsan makakalimutin. Siguro di na naman nasabi ni Mommy kay Daddy yun. Hays.
“Walang nabanggit si Mommy mo kaninang umaga. Nalaman ko na lang kaninang 5 in the afternoon.” Daddy
Eh? Nasabi naman pala ni Mommy, bakit nagagalit si Daddy?
“Daddy, ngayong araw ko lang po nalaman na naconfine siya. Nung pagkapasok ko lang po ng school, tsaka ko lang po nalaman about dun.” Ako
“That’s not my point.” Daddy
“Eh Daddy, ano po yung point mo?” Ako
Ang gulo naman ni Daddy. Di ko siya magets ngayon.
“Sophia, alam mong ayoko ng nagpapaalam sa mismong araw kung malalate ka ng uwi. Naiintindihan ko na you wanted to pay respect kasi nga kaibigan mo pero alam mong dapat, magpapaalam ka muna. You’re still young. You’re just a 13 year old girl. Next time, I won’t allow you to go anywhere if you’ll not ask my permission a day before the event. Is that clear?” Daddy
“Crystal.” Ako
Ayun, umakyat na lang ako ng room at humiga. Bubuksan ko sana yung laptop kaso may password na. Matalino talaga si Daddy. No gadgets talaga. Kahit MP3 ko, nakatago na din. Di bale na, mag-aaral na lang ako since may assignment pa kami sa Math na hindi ko pa nagagawa. Few hours later, nakapag-aral na ako at nagawa ko pa yung ibang assignments ko. Maya-maya, nakatulog na lang ako sa desk ko. Nagising ako kasi ang sakit ng tiyan ko. Yikes! Gutom na ako. Time check: 1am. Bumaba ako para icheck kung may pagkaing tira. For sure tulog na si Mommy and Daddy. Pagbaba ko, nakita ko si Ate Shiena.
“Oh Sophia, bakit gising ka pa?” Ate Shiena
“Nagutom ako Ate. Nakatulog kasi ako sa desk e.” Ako
“Wait, ipaghanda na kita.” Ate Shiena
“Ate, magpahinga ka na. Ang haggard mo na o. Diba bukas may photoshoot ka pa?” Ako
“Papasok na rin ako sa kwarto. Sige, iwan na kita dito ha?” Ate Shiena
Tumango na lang ako at tiningnan ang lamesa kung may ulam at kanin. Buti na lang meron! Nagluto pala si Mommy ng sinigang. Kumain na ako tapos hinugasan ko na yung plato ko. Wala kasi kaming katulong. Gusto kasi ni Mommy and Daddy na maging responsible kami kaya ayan, kami na ang gumagawa ng gawaing bahay. Anyway, umakyat na ako ng stairs para mahiga. Nagpahinga ng ilang minutes at natulog.
BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Teen FictionAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...