Jessica’s POV
Papakilala pa ba ako? Basta ako si Jessica Perez, mother ko si Icah Pangilinan and father ko si Jose Perez. Same age with Sophia pero siyempre different ng birth months. Nagtayo si mom and dad ng mga restaurants all over the country and they are both praying na makarating ang restaurant nila sa ibang bansa. Ano pa ba? Crush? Meron ako niyan kaso di niyo kilala. Sa susunod ko na ipapakilala pag kami na. Haha. Kababata ko si Charles. Close friends ang mother ko and ang mother ni Charles. Dati nga lagi nila kaming kinukulit na bagay daw kami na paglaki namin tapos sabi pa nila bagay kaming mag-on kaso you know, nagmahal na si Charles at yun yung ex na di niya makalimut-limutan. Tska FYI, nagkacrush lang ako sa kanya, hindi ko siya mahal na as in yung alam niyo na kaya hindi big deal sa akin na hindi kami naging mag-on. Tama na yan. Nakakapagod magpakilala no. Parang first day of classes, laging nagpapakilala sa harap.
So ngayon, papunta na kami ng sasakyan ni Tita Sonia (mother ni Sophia) pero lutang pa rin isip ko. Kasi naman ano. Kasi. Ano. AISH. Feeling ko kasi, may narinig akong
Hindi
Dapat
Marinig!
*flashback*
Pababa na kami ng stairs ni Sophia nung maalala kong nakalimutan ko yung phone ko sa taas ng table ni Charles. Naalala ko baka tumawag si Mama kasi tinext ko lang siya na gabi na ako uuwi. Pinauna ko na si Sophia sa cafeteria tapos pinasabay ko na rin yung ipabibili ko para pagbaba ko, kakain na lang ako since gutom na talaga ako. Nasa tapat na ako ng room ng marinig kong nag-uusap si Charles and Eric. Alam kong masama ‘to pero mag-eeavesdrop muna ako. Feeling ko exciting ‘to e. Dinikit ko yung tenga ko dun sa pintuan para mas clear ang maririnig ko.
“Same with you Pare.”
Si Eric yun! Ano kaya pinag-uusapan nung dalawang yun?
“O pre, musta na kayo ni Jessica? Wala man lang improvement sa inyo? Bagal mo talaga pare, torpe mo kasi” Charles
Ha? Ano ba ‘tong pinagsasabi ng kababata ko? Anong koneksyon ko sa conceited na lalaking yun? Mga kalokohan talaga ng magkaibigan na ‘to. Hays.
“Aba, kung ikaw kaya nasa pwesto ko, agad agad mo rin ba siyang maliligawan ha? Akala mo parang siya hindi torpe.” Ako
Whaaaaaaaat? Liligawan? Is he nuts? Lagi kaming magkaaway nun! I don’t believe him. Impossible na magkagusto siya sa akin. Imposible talaga. Imposible.
“Bata pa ako nun natural lang na matakot ako no. Sus, kung ako sayo, ligawan mo na. Mahuli ka pa diyan. Ganda ng kababata-“ Charles
Nagtago ako kaagad sa CR kasi narinig ko yung malakas na boses ni Raimond. Buti na lang katabi ng room ni Charles yung CR kaya nakapagtago ako kaagad. Ayun, di ko na narinig yung katuloy na sasabihin ni Charles. Ang tagal kasi nagstay nung mga yun sa harap ng pintuan e kaya ayun, hindi ako makaalis. Maya-maya pumasok na yung mga yun sa kwarto. Naki-eavesdrop din kaya yung mga yun kaya may karamay ako. Hehe. Tumatawa tawa pa nga yung mga yun e. Ano ba kasi yun?
Pababa na ako ng stairs na yun pa din iniisip ko. Imposible naman na magkagusto si Eric sa akin diba? I mean, alam niyo yun, lagi kaming nag-aaway. Parati kaming nababarahan. Aso’t pusa kami. Di ko nga maintindihan kung nasa war ba kami tuwing nag-uusap kasi di pa kami nagkaroon ng matinong pag-uusap. I mean, sabihin nating nagkaroon na nang matino pero parang split seconds lang ata. Ayun, lakad ako ng lakad na yun pa rin ang iniisip ko. Natauhan na lang ako nang mapansin kong nasa labas na pala ako. Swear, di ko namalayan na nandito na ako. Bwisit na Eric na yan, napapaisip pa tuloy ako.

BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Fiksi RemajaAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...