Sophia’s POV
Natapos na ang Christmas break at ang 2 months na ang nakalipas.Actually, 1 week na lang at finals na namin or fourth quarterly exam na namin. Ang bilis no? Ganyan talaga ang buhay. Di mo namamalayan, mabilis na palang lumipas. Hays, ito ako ngayon, babad sa pagrereview. Nauso kasi sa amin ang cover-to-cover ang coverage ng exam. Yan pa naman ang kinakatakot ko. Di kasi ako yung tipong sobrang talino (a/n: ows? Matapos kang maging top 1, di sobrang talino. Tss) AUTHOR, POV KO ‘TO E. WAIT LANG NAMAN. Okay, di naman kasi ako yung tipong sobrang naalala or merong photographic memory. Masipag lang talaga akong magreview kaya nakakapasa ako.
--- --- ----
Last day na ng exam namin ngayon. Three days kasi ang pag-eexam namin. Feeling ko dumudugo na utak ko. Paano ba naman? Nagkasabay sabay pa ang science, math at history sa last day. Makakaraos pa kaya ako sa exam na ‘to?
“Uy Bes, buhay ka pa diyan?” Tanong sa akin ni Jessica
Di ko napansin, napatulala na pala ako sa kawalan.
“A-ah, okay lang ako. Medyo masakit lang ulo ko.” Sagot ko
“Sure kang okay ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo e.”
“Medyo hirap kasi ako sa exam natin ngayon e. Sabay sabay pa yung tatlong mahihirap.”
“Sus, ang talino mo kaya. Keri mo yan girl! Wag kang nega.”
Nanahimik na lang ako after tapos nagreview. Sa totoo lang, kahit man nasa top ako, may right naman akong mahirapan sa mga subjects no.
10 minutes lang ang nakalipas, pumasok na ang adviser namin para magbantay sa amin. Nagkaroon lang ng short prayer at nagstart na kaming mag-exam. Una naming tinake ang history tapos nagkaroon kami ng short break which is our recess.
“Bes, pahiram na ng utak. Dumudugo na ata yung akin e.” Sabi ni Jessica habang naglalakad kami pababa ng stairs
KUNG ALAM LANG NIYA. Muntik na nga akong mamental block e. Malay ko ba sa mga empire chu chu nang iba’t ibang country sa Asia. Malay ko ba sa mga history nila. Past is past na nga e, ba’t kailangan pang alalahanin? Halos mabiyak na ulo ko kanina dahil hindi ko na maisip yung pwede kong isagot.
“Parehas lang naman tayo e. Nahirapan din naman ako e.” Sagot ko
Sa kiosk kami dumiretso. Tahimik kasi dun pag may exam kaya gusto ko yung lugar na yun pag mag-aaral. Malayo naman kasi kung sa garden pa kami pupwesto diba? Ito ako, nirereview lahat ng mga divisions ng mga chuchu. Basta, mga cnidarians, unsegmented worms, basta yung mga ganun. Minamalas nga naman, super daming classes nung mga yun. Daldal ng daldal si Jessica pero di na ako nakikinig sa kanya. Wala na akong time para initindihin yun. Kahit naaawa ako sa kanya dahil hindi ko siya pinapansin pero kailangan ko talagang mag-aral e.
Umakyat na kami kaagad. Hindi ko na nga nakita yung grupo nila Charles e. Ewan ko kung saang lupalop sila nagtatago. Bahala na sila. Kahit gusto ko mang makita si Charles para dagdag inspiration e wala akong time hanapin sila. Tinago na agad namin yung notes at nagstart mag-exam para sa subject na yun. Pagkatingin ko pa lang sa papel ko, nosebleed na ako kaagad. ANG HIRAP SIMULANG SIMULA PA LANG. DAGDAG MO PA ANG NO ERASURES. Ang higpit naman ng teacher namin. Nagstart na akong magsagot at nanghula na lang. Parang hindi ata lumabas dito yung pinag-aralan namin e. Napalinga-linga ako sa room. Take note, hindi dahil nagbabakasakaling may makopyahan ako. Ang dahilan e may naririnig akong nagbubulungan. Saktong pagtingin ko sa kanila, may nakita akong nagpapasahan ng papel. WOW NAMAN. SHARE YOUR ANSWERS! Hahajoke. Ang hirap talaga e.
BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Teen FictionAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...