Chapter 13

20.8K 195 86
                                    

Sophia’s POV

1 year na agad ang lumipas and yipee, 2nd year high school na ako. Wala man lang ako masyadong nakwento nung first year ako kasi wala naman masyadong nangyari. School life? Okay naman. Sadyang sobrang talino ni Charles at nag-top 2 lang ako. Hmm, he deserve the first spot naman e. Friendship? Super saya. Si Jessica, parang kapatid na ang turing ko dun. Sa totoo lang mas naging close kami ni Bes kaysa kay Kuya(Nathan). Si Kuya, kahit papaano, nagshashare pa rin naman ako ng secret dun pero mas maraming alam si Jessica na sikreto ko. Ang tagal kaya naming hindi nakapag-usap at take note, nakalimutan ko pa siya. Pero kahit ganun naman, close ko pa rin yun. Kuya-kuya ko na yun e. Sila Eric din pati yung mga kabarda niya, kaclose ko na din. Maloloko yung mga yun pero mabait naman. Mahirap lang lumapit sa kanila e. Heartthrob sila e. Kaya minsan kung ano ano na pinagsasabi sa amin ni Jessica pero hindi na namin pinapansin since hindi naman totoo. Kung tatanungin niyo kung kamusta kami ni Charles? Friends kami. Close friends. Basta friends. Kung tatanungin niyo kung anong nararamdaman ko sa kanya? I don’t know. Hindi pa din clear e. Magulo ata ‘tong utak ko, dinamay pa pati puso ko. Hays. Lovelife? Siyempre, wala no. Crush kung crush muna. Ang sarap ng single ang status no.

Nandito kami sa school at currently, kumokopya ako ng notes. Kalalabas lang kasi nung math teacher namin at hindi ako nagkaroon ng time magcopy ng notes kasi kailangan kong makinig ng mabuti. Nabagsak ko kasi yung quiz namin before yung lesson na ‘to e. Eh kasi nabaliktad ko yung solution kaya ayan na-zero ako. Kung tatanungin niyo kung naiyak o nagdrama ako dahil sa grade ko, nalungkot lang at hindi umiyak. Ilang beses ko na naranasan sa buong buhay ko yun no. Anyway, back to the topic, nasa kalahati pa lang ako ng sinusulat ko nang biglang nag-ingay yung mga kaklase ko. Hay, sanay na ako. Saktong may pumasok na teacher nung natapos akong magsulat.

Huh? Bakit iba?

“Class, Mr. Rodriguez is not around so I’ll handle this class for the mean time. Do whatever you want as long as you won’t make noise. Is that clear?”

At ayun, nagsigawan ang mga kaklase ko. Tuwang tuwa ba naman. Social studies teacher ang wala kaya nagbubunyi sila. Kasasabi nga lang ni Ms. Santos na bawal mag-ingay, nag-ingay na sila. Nako, mga kaklase ko talaga. Tsk. Tsk. Nanahimik na lang ako at kinuha yung libro na dala ko. Bubuksan ko pa lang sana yung mismong cover, dinaldal na ako kaagad ni Jessica.

“Bes, daldal na lang tayo. Mamaya ka na magbasa. Wala akong kausap o.” Sabi ni Jessica sabay pout pa

“Eh anong pag-uusapan natin?” Tanong ko

“Kahit ano. Ikaw? May topic kang naisip?” Sagot naman sa akin ni Jessica

Ang tagal naming nag-isip at wala talaga kaming maiisip na topic. Mga limang minuto yun a. Maya-maya na lang may lumapit sa amin na isang kaklase. Kinalabit kaming parehas ni Bes.

“Uy Jessica, Sophia, sama kayo sa laro namin.” Tanong ni Xyla sa amin

Ito ang kinakatakot ko e. Minsan kasi pag nag-aaya yan sa mga laro, palaging may thrill kahit simpleng laro lang. Yung spin the bottle pero yung consequence malala. Yung mga ganun. Buti na lang nung mga time na yun, hindi pa ako sumasali sa mga laro nila. Kaloka, sila na ang matapang.

“Ah-eh, may babasahin pa ako. Hehe. Sa susunod na lang?” Sagot ko

“Ehh, sayang naman e. Minsan lang naman ‘to.” Sabi naman ni Xyla

“Oo nga Bes, minsan ka lang, sumama, sali ka na sa laro. Mukhang exciting e.” Sagot ni Jessica.

Isa pa ito si Jessica e. Adventurous kasi ‘to e.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon