Chapter 15

18.7K 207 88
                                    

Sophia’s POV

Nagkaroon ng yayaan na pumunta ng mall ngayong araw. Nagulat na lang ng may mareceive akong message kay Kuya/Nathan. Sabi niya

“Iya, mall bukas. Kasama barkada ko. Sama mo si Jessica. Punta na lang kayo sa bahay ni Charles. 9am para saktong pagbukas ng mall nandun na tayo. Bukas mo pagbabayaran yung kasalanan mo sa akin sa canteen.”

Bigla biglaan naman. No choice ako kaya nagpaalam na ako kaagad. Buti na lang pumayag si Daddy. Nagpalit na ako ng damit. T-shirt ulit tapos jeans. Okay  na yun. Nagpahatid na ako kaagad kay manong driver sa bahay ni Jessica. Pagkarating na pagkarating ko, pinindot ko na yung doorbell (a/n: Si sophia na lang ata ang nilalang na gumagamit ng doorbell ah? Lol). Nakita kong lumabas ang mommy ni Jessica, si Tita Icah.     

“Oh Sophia, buti napunta ka rito. Halika, pasok ka.” Sabi ni Tita  Icah sa akin

“Thank you po Tita. Sorry po sa sudden visit ko dito. Hehe Nandyan po ba si Jessica?” Tanong ko

“Ay, oo. Nasa taas. Kanina ka pa hinihintay dun. Akyat ka na lang. Sige na dear, may gagawin pa ako.” Sabi ni Tita Icah sa akin

Ayun, dumiretso siya sa kitchen. Nagluluto ata si Tita. Ako, dumiretso na sa taas. Mga 8:15 na kasi ako nakarating dito sa kanila. Pumasok na ako kaagad sa kwarto ni Jessica. Ay, nakabihis na nga.

“Oh Bes. Halika na.” Sabi ko sa kanya

“Sige sige. Halika na nga.” Sabi niya

Bumaba na agad kami kasi tapos dumiretso sa bahay nila Charles. Di naman ganun kalayuan kasi nga simula bata pa lang, magkababata na ‘tong dalawang ‘to at dito sila nagstastay sa iisang subdivision.  Pagkarating namin dun, wala pa yung boys. Tingnan mo ‘tong mga ‘to. 9 pala kailangan, wala pa sila sa bahay ni Charles. Nako. Kumatok muna kami. Pinagbuksan kami ng yaya nila kaya pinapasok na kami sa bahay since kakilala naman kami. Unang sumalubong sa amin si Tita Sylvia.

“Oh Titaaaa. I miss you. Di na kayo dumadalaw sa bahay namin.” Sabi ni Jessica sabay yakap kay Tita

“Nako Jessica. Kung alam mo lang kung gaano na ako ka-stress sa pagtatrabaho. Sa susunod, try kong dumaan sa inyo.” Sabi ni Tita Sylvia tapos napatingin siya sa akin na nasa likod ni Jesica

“Ay, Sophia, right?” sabi ni Tita Sylvia sabay smile

Halaa. Paano nalaman ni Tita name ko?

“Ay opo. Hello po Tita Sylvia.” Sabi ko sabay smile

 “Hi dear. Ay, marunong ba kayo magbake?” Tanong ni Tita

“Sa pagmimix lang po ako Tita.” Sabi ni Jessica

“Ikaw Sophia?” Tanong ni Tita habang naka-smile

“Opo. Food business po kasi sila Mommy kaya tinuruan niya po ako.” Sabi ko

“Perfect. Kailangan ko na rin kasi ng tulong. Nga pala, kung hinahanap niya si Charles, tulog pa yun. Maya-maya pa tayo nun.” Sabi ni Tita

Dumiretso na kami sa kitchen ni Tita. Nagstart na kami magbake. Nalaman ko na recently lang nahilig si Tita sa pagbabake. Ngayon, gusto niyang itry ang ang pagbake ng cake. Hindi naman ganun kahirap kasi nasanay na ako na gumawa si Mommy ng ganito. Si Jessica, siya na taga-bigay kay Tita ng ingredients. Si tita na nagmimix pati na rin ako. Tapos kung ano ano lang pinagkwentuhan namin. Grabe, madaldal pala si Tita Sylvia pero she’s really nice. Nung tumunog na yung oven, kinuha na ni tita yung cake at lalagyan na lang ng icing. Si Tita na nagasikaso nun. Infairness, magaling si Tita sa pagdedesign ha. Tiningnan ko oras, 9:30 na. Di rin naman na nagtext yung ibang mga lalaki. Saan kaya dumiretso yung mga yun.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon