Sophia's POV
Ipapasa ko pa lang pabalik yung papel kay Charles nang biglang hilahin ni Mrs. Torres ang papel na pinagsusulatan namin ni Charles. Nako, lagot! Sana hindi niya sabihin yung pinag-usapan namin dun. Sana hindi niya basahin. Nagcrossfingers pa ako. Dahil mabait si Lord, ayun, tinupi ang papel at tinapon sa bin. Nakahinga ako ng maluwag. Bakit? Siyempre, iwas gulo na din. Ayoko namang awayin ako ng girls pag nalaman nilang kinausap ko si Charles diba? Hindi naman sa paranoid, pero ano, basta.
"Mr. Parker and Ms. Sanchez, since first day pa lang naman, pagbibigyan ko kayong dalawa ngayon pero hindi na dapat mauulit ito. Entiendes?" Sabi Mrs. Torres habang nakataas pa ang kanang kilay.
Tumango na lang kaming dalawa kasi ayaw na naming palalain pa yung problema. Natapos na rin ang English class. Dahil nga major subject yun, medyo mahaba haba. May sumunod na subject tapos recess na namin. Finally! Gutom na rin kasi ako e. Bumaba na ako at pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. After nun, hinanap ko si Jessica at ayun kumakaway pa para makita ko. Ang cute ng new friend ko no? Ang bait din niya. Pumunta na ako dun tapos tumabi sa kanya.
"Sorry Jessica. Medyo natagalan ha. Ang dami palang kumakain pag ganitong time."
"Ilang levels kasi ang sabay sabay na kumakain kaya ganun. Naintindihan ko naman e. Bumibili rin naman ako dati e." Sagot sa akin ni Jessica.
Kumain na kami after nung short convo namin. Nasa kalagitnaan na ako ng kinakain kong spaghetti nang biglang magsalita si Jessica.
"Oh. Look who's here"
Dahil nga sa sinabi niya, napatingin ako sa side ng tinitingnan niya. Ay, si crush, este si Charles nandito. Naka-smile pa siyang lumalapit dito o. Natutunaw ako. KYAH. Joke. Masyado nang exaggerated. Pagbigyan niyo na.
"Nga pala, para saan nga pala yung sinasabi mong thank you kanina?" Tanong ko nang makalapit sa aming banda si Charles.
"Ah, yun nga pinunta ko dito e. Ano, magpapasalamat lang ako. Di ka kasi nagkagusto sa akin." Nakangiti niyang sagot.
Hayss, kung alam mo lang Charles...
"Ha? Eh ano naman ang dapat mong ipagpasalamat dun?"
"Kasi may nakilala rin akong babaeng walang crush sa akin dito sa school maliban sa kababata kong si Jessica. Alam mo yun siyempre, walang ilangan kaya salamat" Nagkibit balikat na lamang siya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bigla bigla na lang kinuha yung kamay ko tapos shinake hands. Ay, kala ko pa naman ano. Kikiligin na sana ako e pero di bale, okay lang. Hinawakan naman niya e. Feeling holding hands. Kaya kinilig pa din ako ng todo. Yiee.
"A-aysus, yu-yun lang ba. Wa-walang anuman" ako
Nauutal talaga ako e. Di ko alam bakit. Basta nung magsasalita na ako ayun, nautal na. Ganun ba talaga ang nangyayari pag hawak ng crush mo ang kamay mo? KYAH. Ang lambot ng kamay niya. Kilig to the bones!
"*cough* *cough* Pare, kinakalimutan mo atang ipakilala ako diyan a" Banggit ng isang lalaki kaya naman ay napatingin ako sa banda kung saan ko narinig ang pinanggalingan ng boses.
Hmm, parang familiar yung mga mukha nila? Nakita ko na ba sila? Somewhere?
"Oo nga brad. 4 kami dito o. Kanina pa kami nakatayo, wala ka atang balak kaming ipakilala e." Sambit naman ng isa pa nitong kasama.
"Kayo dalawang nagngangalang Charles at Sophia. Wala ba kayong balak magbitaw ha?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sinabi ni Jessica. Ngumisi pa siya sa amin. Napatingin kaming parehas sa kamay namin ni Charles at oo nga, hindi pa kami nagbibitaw. Kaya ayun, dahil parehas kaming nahihiya, mabilis pa ata sa kidlat ang paghihiwalay ng kamay namin tapos tumingin kami sa gilid namin. Feeling ko uminit mukha ko.
BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Teen FictionAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...