Chapter 4

23.8K 165 19
                                    

Sophia's POV

"AY BUTIKI!"

Nagulat ako e. Bigla-bigla ba namang may hahawak sa balikat mo. Nung una, ayoko pa tumingin sa likod baka kasi magnanakaw pero yung akala kong magnanakaw, biglang nagsalita.

"Magugulatin ka rin e no. Ako lang 'to. Si Charles."

Humarap na ako sa kanya at nakita ang kanyang mukha. Si Charles nga.  Ang gwapo pa din. Kakausapin ko sana kaso naalala ko yung pagsira niya ng araw ko kanina. Bakit nga ba ako ganito maka-react? Ay, bwisit 'tong feeling na 'to. Kainis.

"Ahsige Charles, una na ako sayo ha? Kailangan na ako sa bahay e. Bye na." Nagpaalam na agad ako sa kanya.

Ayoko naman lumabas na rude sa harap niya kaya ito na naman ako at nagbibigay ng lame excuse. Nakakasanayan ko na 'to ha. Sumasama na ata ako.

"Ganun ba. Sige. Ingat ka na lang. Yayain sana kitang kumain sa McDo e. Libre ko kaso may gagawin ka pala. Sige na."

SAAN DAW? SA MCDO? FAVORITE FAST FOOD CHAIN KO YUN E! Naglalakad na siya palayo kaso hinabol ko. Kinalimutan ko na yung pagsira niya ng araw ko kanina. Palalampasin ko pa ba ang moment na 'to. Gusto ko lang ng McDo Fries e. Solve na ako dun. Basta McDo game!

"Uy Charles! Wait lang!" Sigaw ko.

"Bakit?" Tumigil siya tapos humarap sa akin.

"Ah ano. Di na pala ako kailangan agad sa bahay kasi naayos na yung problema dun so..."

"So..., ano? Sama ka sa McDo?" Nakangiti niyang sabi.

"Sure sure! Kaso tayong dalawa lang?" Tanong ko.

Kasi naman diba. Ako tsaka siya lang. Diba kasi ano. Parang ano. Ed diba parang. Ay.

"Oo, may mali ba dun?" Kitang kita sa mukha niya yung pagtataka.

Parang ako lang ata ang nag-assume. Hay.

"Edi ba parang ano. Alam mo na. Kakain sa labas. Tapos tayong dalawa lang. Alam mo yun."

 O edi ako na madaldal. Nasabi ko kaagad. Di ko man lang pinag-isipan. Nakakahiya.

"Di naman 'to date e. Friendly date lang naman." Sabi niya.

WEH? ANG FRIENDLY DATE AY DATE PA RIN. EMEGHED. Nanlaki mata ko tapos feel ko na namula mukha ko. Napayuko na lamang ako.

"Hahaha. Mukha mo! Di maipinta! Hahaha." 

'tong taong 'to tatawa-tawa na lang bigla.  Ano bang meron?

"Bakit? M-may nakakatawa b-ba?" Tanong ko.

"Kasi naman... hahaha.. nanlaki pa... hahaha mata mo haha tapos haha namula ka pa. haha. Grabe." Patuloy pa rin ang pagtawa niya.

KYAAAH. Napansin niya yun. Oh lupa, hilahin mo na ako pababa. Nakakahiya ng sobra. Pahiya ako dun! Nakakaewan. Pinagtatawanan pa ako ng isang 'to. Dahil sa sobrang kahihiyan, tumalikod na ako tska naglakad palayo. Feeling ko lalong namula mukha ko e dahil sa kahihiyan na ginawa ko!

"Hey, hahaha, wait lang. haha" Sabi niya ulit ngunit di ko siya pinansin.

Hinahabol niya ako kaya binilisan ko yung paglalakad ko. OO HALOS TUMAKBO NA DIN AKO!

"Sophia! Haha. Sandali lang! Haha"

Titigil naman talaga ako e kung TITIGIL LANG SIYA SA PAGTAWA NIYA KASI HIYANG HIYA NA AKO SA PINAG-IISIP KO KANINA.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon