Chapter 9 Part 1

21.7K 145 18
                                    

Sophia’s POV

Okay, nakapagdecide na ako!

“Ah, Jessica, mamaya, hindi na ako makakasama sa pupuntahan natin.” Ako

“Sasabihin ko rin sana yan e. Di ako pwede kasi di ako pinayagan ni Mama. Nabili niya na kasi ako ng damit kagabi. Nga pala saan ka pupunta ngayon?” Jessica

“Yung ate ko kasi, biglang nagtext, may pupuntahan daw kami na importanteng party. Ayoko sanang sumama kaso pinipilit ako e. No choice ako.” Ako

“Sama ako! Hahajoke. Bawal akong umalis ngayon. Aalis daw kasi tayo bukas e.” Jessica

Si Jessica mahilig sa mga galaan yan, ako talaga hindi e. Mas gusto ko lang sa bahay. Gadgets tapos aral. Yan naman lagi kong ginagawa e. Anyway, dumating na rin yung teacher namin pakatapos naming mag-usap. Si Charles kararating lang. Siguro nagpasign pa ng excuse letter yun sa prefect namin. Natapos na ang ilang subjects at recess na. Naiwan ako sa room kasi kailangan ko pang magsulat ng notes. May pinaasikaso kasi yung teacher ko sa akin nung subject niya kaya di ako nakapagsulat ng maayos e. -_-

“Here”

May naglagay sa table ko nang sandwich. Tumingala ako para makita ko kung sino, ah, si Charles lang pala. Process... process... SI CHARLES PALA!

“A-ah thanks!” Ako

Kinuha ko yung sandwich na pinatong niya dun sa table tapos kumagat.

“Sana nanghiram ka na lang ng notes.” Charles

“Ma-iistorbo ko pa yung iba. Okay na rin ‘to.” Ako sabay tingin sa kanya

“Kaya nga tayo nagrerecess kasi kailangan nating kumain. Tsk.” Charles

“Yiee. Nag-aalala siya.” Ako

Trip ko mambiro e.

“Oo, nag-aalala ako. Ang payat mo o.” Charles

Napaiwas na lang ako ng tingin. Ba’t feeling ko? Ang...ang... init ng mukha ko. Di ako makatingin sa kanya. Nasa ibang side tingin ko. Kasi, ano... KINIKILIG AKO E. Kung crush mo kaya magsabi nun, sinong di kikiligin diba? YIEEEE.

“Th-thank you.” Ako

Nasabi ko na lang bigla pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

“Wala yun. Magkaibigan naman tayo e.” Charles

Napatingin tuloy ako sa kanya tapos siya naka-smile pa. Ang assuming ko naman kasi e.

“Ba’t ang pula ng mukha mo?” Charles

“Ha? E-wan.” Ako

“Hay nako Bes, natapos na ang recess di ka man lang bumaba. Iniwan mo pa ako sa 4 na may tama sa utak.”

Dumating na pala si Jessica. Nauna na atang umakyat kaysa sa mga classmates namin e.

“Kailangan ko pa kasing tapusin yung notes. Hehe. Sorry Bes.” Ako

“Ehem ehem” Charles

“Ay, may naistorbo ba ako? Baba na lang ulit ako?” Jessica

“Wala no. Halika na. Sabi mo time na.” Ako

Dumating na rin maya-maya classmates namin.

High School Lovelife (EDITING/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon