Hello guys! Unang una sa lahat, hindi ito UPDATE para sa storyang ito. Ito po ay AUTHOR’S NOTE lamang pero spare some time para basahin naman ito. I know lagi akong naglalagay ng author’s note sa bawat chappie ng HSL pero dito ko ilalagay lahat ng gusto kong ishare sa inyo. Don’t worry, hindi ito aabot ng sobrang daming pages dahil paiiksiin ko lang yung gusto kong iparating sa inyo. Kung ano man po ang mabasa niyo dito, yun po ang nararamdaman ko. Intindihin niyo po sana ang weird na author na ito.
I started writing High School Lovelife nung March 2012? Hindi ko na masyadong maalala yung exact date pero parang ganun na nga. I know lagpas na ng isang taon pero hindi ko pa rin tapos ang story na ito. Sabihin na nating wala pa sa kalahati dahil 24 chapters pa lang ang nagagawa ko. Nag-stop ako for ilang months bago ko ikinontinue to. Bakit? Of course, reasons.
Pinost ko ang story na ito dahil bored ako nung time na yun. As in, for fun ko lang ginawa itong story na ito. Dati, iniisip ko walang magbabasa na story ko kaya hinahayaan ko lang. Then dun, nagstart na. May isa akong reader na pinuri yung story ko hanggang sa dumami na nang dumami yung nagbabasa nito. Siyempre, sa una masaya. Akalain mo, yung first story mo e may nagtangkilik. Thankful na thankful ako dahil may nagbasa ng story ko. Nung time na yun ginanahan ako mag-update every week until one time, narealize ko nagiging obligation ko na.
Never kong inakala na dadating yung araw na yun na kailangan scheduled na ang pag-uupdate ko o kaya kailangan sa ganitong week mag-uupdate ako. Aaminin ko, masarap sa feeling yung nalalaman mong bawat update mo may nagbabasa, may natutuwa dahil sa ginawa mo. Nakakagaan ng feeling. Tapos may mga magcocomment na nagustuhan nila yung story mo. Napapangiti ako tuwing nababasa ko yung ganung comments. Pero after nun, pag hindi ako nakakapag-update ng medyo matagal, iba na yung nababasa kong comments. I mean, it’s alright to speak out. Sabihin niyo kahit anong gusto niyong sabihin kasi we’re in a free country pero please, isipin niyo po yung feelings ko.
Sabi ko nga sa inyo, for fun ko lang ito ginawa. Hindi ko talaga sinimulan ‘to dahil dito na ako magfofocus forever. Sabi ko noon, magpopost ako ng update ng kahit kalian ko gusto pag wala na ako masyadong ginagawa since alam kong walang magbabasa nito pero ayun nga, things changed. Yung sabi kong for fun naging responsibility. Naging obligation. (inulit ko lang po yung sinabi ko. -__- XD)
Usually, napepressure na ako. I’m a busy person. Kahit student pa lang ako, marami pa rin akong ginagawa. I’m part of the honor roll kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para mamaintain yung grades ko. Minsan nga, kulang na ako sa tulog, aral pa rin inaatupag ako. Hindi naman sa hobby ko nay un pero hindi ko kaya yung multi-tasking. Di ko kaya magfocus sa dalawang bagay ng magkasabay. Remember? Nag-stop ako ng 5 months or more sa pag-uupdate. PRESSURE ang reason. Importante yung studies ko at napapansin ko na medyo nahihirapan akong ayusin yung time sched ko. Minsan hindi ko na masunod yung sinasabi nilang “Time Management” e. Naging busy rin yung months nay un dahil sa mga activities namin. Tapos after nun, once a month na lang ako mag-update. Why? Studies. Nagkaroon ako ng problem sa studies ko kaya kailangan kong bawiin yung mga mababa kong grades.
Madalas, binubuksan ko itong account ko, pag gabi, kahit antok na antok na ako, ichecheck ko yung wattpad ko. I look for inspiration para kahit papaano makakagawa ako ng draft. Minsan, nakakadisappoint lang. Imbis na inspiration, ibang vibes ang natatanggap ko. Alam ko, nafefeel ko naenjoy nila yung chapter na iyon pero parang minamadali na nila ako. I know that feeling na eager ang isang tao sa susunod na update pero sana iavoid na lang natin yung comments na nakakahurt ng feelings. I’m a reader & also a writer. Alam ko ang feeling pag nabibitin kayo at naghahanap ng next chapter pero sana naman po, isipin niyo po ang feelings ng writer. Ilagay niyo po yung sarili niyo sa kinatatayuan ng isang writer. Kaming mga writers, sa inyo kami humuhugot ng inspirasyon para ipagpatuloy yung sinusulat namin. Kung magcocomment na lang kayo, sana po, hindi yung makakasakit sa feelings namin o kaya minamadali niyo kami. Mahirap po kasi yun e. Naglalaan ako ng time para gawin ‘tong chapters sa story na ito pero minsan nagagamit ko iyon for important purposes kaya naglalaan na naman ako sa susunod na araw. Isa po ako sa mga writers na hindi umiikot ang mundo sa wattpad lamang. I mean, I still try to allot time to update this story pero hindi lahat ng oras igugugol ko lamang dito. Katulad ng sabi ko kanina, I’m a busy body & I can’t focus on two things at the same time.
Guys, may ilang bagay lang naman akong hihilingin sa inyo e. I’m not forcing you pero I maaappreciate ko ng todo kung gagawin niyo. Unang-una, intindihin niyo po sana ang kalagayan ko. Palaging studies ang reason ko at alam kong marami na ang naiinis dahil ito lagi ang rason ko pero this is the truth. Studies naman talaga ang dahilan kung bakit bihira ako mag-update. Ngayong bakasyon, hindi ko pa sigurado kung magiging weekly ang update ko dahil marami pa rin akong ginagawa sa bahay. Pero, itatry ko. Next one, wag niyo po sana aking ipressure. Alam kong madalas nakakaatat ang next chapter pero sana po wag niyo po sana akong madaliin. Avoid po sana natin yung comments na nagpapakita ng ganun feeling. Kung magcocomment po kayo, sana yung inspiring. Pag inspiring kasi yung mga comments, ginaganahan akong mag-update. Lastly, pakihabaan na lang po ang pasensya niyo. Ang pag-uupdate ko po kasi ay random kaya tiis tiis na lang po.
Kung may nasabi akong hindi niyo nagustuhan, I’m sorry. Sincere na sorry yun. I just expressed my feelings. Sorry kung medyo magulo 'to. Madaling araw ko na ito tinaype e. Sorry sa misspelled words. Thanks to MS Word kaya ang ibang Filipino words ay natatranslate ng disoras. Anyways, thanks for allotting a few minutes of your time reading this. Update para sa story na ito? After nito, gagawa na ako kaagad ng draft. Thank you & God bless!
BINABASA MO ANG
High School Lovelife (EDITING/REVISING)
Teen FictionAno nga bang meron sa isang High school lovelife? Itong kwentong ito ay tungkol isang high school student na nainlove sa isa ring high school student. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lovelife? Sino nga ba siya? :) ANNOUNCEMENT: Nirerevise ko mun...